^

Pang Movies

James pinakilig ng todo ang wifey

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pakilig ang style ng pagbati ni James Reid sa birthday ng ka-loveteam na si Nadine Lustre na ipinost na picture ng aktor sa Instagram account niya. Black and white ang photo na nakayakap sa kanya si Nadine.

Mas doble nga kilig ng caption ni James. Meron daw surprise gift na naghihintay para sa kanya, huh!

Siyempre, kilig to the max ang JaDine fans. Dama kasi nila ang sinseridad ng post ni James sa idolo nila.

Guests ng apo ni Mother Lily sa wedding, apektado ng APEC

Naglabas na ng advisory ang PAL, Cebu Pacific at ilang airlines sa cancellation ng ilang flights nila, local and international, simula November 15-20 dahil sa APEC Summit Meetings na gaganapin sa bansa.

Kaugnay nito, may nag-text mula sa Team Boracay Weddings na maapektuhan ng nasabing flight cancellations.

Buti na lang, November 14 ang wedding ng apo ni Mother Lily na si Keith Monteverde kay Roselle, sa Boracay. ‘Yun nga lang, baka maapektuhan ang flights ng mga invited guests sa November 15, huh!

Teka, matsek nga kung kasama sa cancelled flights ang biyahe namin pabalik ng Maynila sa Nov. 15 dahil invited kami sa wedding, huh!

Lani balik-Pinas para sa concert nila ni Arnel Pineda

Back sa Pinas si Lani Misalucha! Pasabog kasi ang tinanguan niyang concert kasama ang isa ring world-class singer na si Arnel Pineda.

Huling humarap sa press si Lani nu’ng makasama siya sa Ultimate Valentine Concert kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Regine Velasquez-Alcasid. This time, sila ni Arnel ang magsasama sa isang back to back concert.

Ngayon pa lang ang presscon ng concert ng dalawa kaya saka na namin isi-share ang detalye sa inyo.

Iwasan lang ng producer na gawing December 1 ito dahil ‘yun ang date ng concert ni Bryan White na singer ng God Gave Me You na sikat na sikat ngayon!

‘Maraming salamat, Sen. Loren!’

Salamat kay Senator Loren Legarda sa early Christmas gift na aming natanggap kahapon. Eh, komo hindi kami green thumb, ibibigay na lang namin ang palalakihing puno ng mangga sa aming ate upang madala sa probinsiya.

Trade mark na ni Sen. Loren ‘yung mamigay ng mga palalakihing puno ng mga prutas. Ilang beses na kaming nakatanggap ng mga itatanim na puno.

Kahit may kailangang pirmahan na katunayan na aming natanggap ang gift niya, maraming salamat na rin, Sen. Loren!

vuukle comment

ANG

ARNEL PINEDA

BRYAN WHITE

CEBU PACIFIC

GARY VALENCIANO

GOD GAVE ME YOU

JAMES REID

KEITH MONTEVERDE

LANI

LANI MISALUCHA

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with