Pelikula ni John Lloyd, sure na sa MMFF 2015
Balitang pasok na ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.
Matatandaang hindi nakapasok sa official list of entries ang nasabing pelikula sa announcement noong June and we remember na ikinalungkot ito ni Lloydie (John Lloyd Cruz).
Walo lang kasi ang official entries at pang-siyam ang Honor Thy Father. Pero may na-pull-out na isang MMFF movie, ang Hermano Puli ni Gil Portes kaya ang movie ni Lloydie ang papalit since ito ang nasa 9th slot.
Ang Honor Thy Father ay mula sa direksyon ni Erik Matti at naipalabas na nga ito sa Toronto International Film Festival this year kung saan ay pinuri-puri raw ito ng mga kritiko.
Magiging opening film din ang Honor Thy Father sa gaganaping Cinema One Originals Film Festival.
Kitang-kita sa pelikula nila ‘di match, Liza masyadong maganda para kay Enrique!
Napanood namin ang Everyday I Love You sa last full show last Friday night at bagama’t hindi puno since LFS na nga, marami rin naman ang nanood.
Light lang ang movie na idinirihe ni Mae Cruz-Alviar, pang-bagets talaga, pero na-enjoy naman namin dahil for one, sobrang ganda ni Liza Soberano. Para siyang Dyosa sa lupa, sa totoo lang. Feeling nga namin, she’s too beautiful for Enrique Gil.
But you can’t deny na ang lakas talaga ng chemistry nila. Kahit last full show na, nagsisigawan pa rin ang audience sa mga kilig moments nila.
Nakakapanibago lang na makita namin si Gerald Anderson na hindi bida at third wheel sa lead stars. Parang may pagka-kontrabida pa ng kaunti ang role niya. Hindi kami sanay, sa totoo lang. Mas sanay kami na siya ang nagpapakilig.
Sa isang scene na umiikot si Liza, parang nakikita namin siya as Darna. In fairness, she’s perfect para gumanap ng nasabing iconic heroine.
Kaya naman no wonder, isa ang kanyang pangalan na lumilitaw sa mga posibleng pumalit kay Angel Locsin sa pelikulang Darna.
Anak ni Jose na si Nico, namana ang topak ng ama
From November 9 to 17 mapapanood sa mga sinehan sa Trinoma, Glorietta, Resorts World at SM Megamalls ang mga pelikulang kasama sa Cinema One Originals 2015.
Ang mga pelikulang mapapanood for Cinema One 2015 ay Baka Siguro Yata (Romantic Comedy), Bukod Kang Pinagpala (Horror), Dahlin Nick (Docu-Drama), Dayang Asu (Action Drama), Hamog (Drama), Manang Biring (Drama-Comedy), Mga Rebeldeng May Kaso (Youth Drama), Miss Bulalacao (Drama) at The Comeback (Drama-comedy).
Kasama rin ang mga short film na Junilyn Has, Sanctissima, Dindo, Pusong Bato, Reyna Christina, Memorya, Mabuhay ang Pilipinas, Anino, A Love Story at Tenant.
Sa presscon na ginanap kamakailan ay agaw-pansin ang comebacking actress at dating beauty queen na si Dindi Gallardo na sumikat noong dekada 90 dahil ang ganda-ganda pa rin niya.
Si Dindi ang isa sa bida ng Dahling Nick na tumatalakay sa ating National Artist for Literature na si Nick Joaquin. Ginagampanan ng nagbabalik na aktres ang role ni former First Lady na si Imelda Marcos.
Ayon kay Dindi, this is her first movie after 15 years at talagang nag-research daw siyang mabuti sa kanyang role bilang Imelda.
Nakausap din ng entertainment press ang anak ni Jose Manalo na si Nico Manalo na isa naman sa bida ng Mga Rebeldeng May Kaso. Aniya ay may pagka-comedy ang pelikulang ito at bale ito ang kanyang first comedy film.
Actually, sa drama at mga seryosong pelikula nalinya si Nico kaya natanong siya kung bakit hindi niya yata namana ang galing ng humor ng kanyang ama.
“Siguro po, nahihilera lang sa (seryosong role), mas napapansin, pero mayroon din po akong topak (humor) tulad sa daddy (Jose) ko,” sabi ni Nico.
Samantala, bukod sa nine Originals 2015, magkakaroon din ng Special Presentation ang Cinema One’s production of Sherad Sanchez’s found footage horror film Salvage, na pagbibidahan ni Jessy Mendiola bilang reporter na naligaw sa isang haunted jungle.
There will also be an impressive program of films showcasing the best of world cinema, including Miguel Gomez’s Arabian Nights, Hou Hsiao Hsien’s The Assassin, Hong Sang Soo’s “Right Now Wrong Then,” Yorgos Lanthimos’ The Lobster, and Roy Andresson’s A Pigeon Sat On A Branch.
This year’s Filipino Classics will be highlighted by a restoration of Ishmael Bernal’s Ikaw Ay Akin with no less than Nora Aunor and Vilma Santos, as well as restorations of Lino Brocka’s Insiang and Marilou Diaz Abaya’s Karnal.
- Latest