Komedyanteng kumakampi sa pamahalaan, niratrat ng netizens
MANILA, Philippines - Hindi lang mga kilalang personalidad sa pulitiko ang sumawsaw sa isyu ng “tanim-bala” o “laglag-bala” sa NAIA. Kalat na kalat na ang iba’t ibang posts sa social media tungkol dito.
Pero classic ang post ng isang dating komedyante tungkol dito at narinig lang namin ito sa isang radio program.
Hindi na kasi aktibo sa showbiz ang nasabing komedyante kaya minabuti na lang namin na ‘wag na siyang pangalanan.
Eh, may himig depensa sa kasalukuyang administrasyon ang post ng komedyante. Kung matindi ang depensa ng komedyante sa namumuno sa bansa, mas malupit naman ang balik sa kanya ng isang netizen, huh!
Hay naku, maging maingat na lang ang kababayan natin sa kanilang mga gamit ‘pag bumibiyahe, huh!
Ate Vi pasasalamatan ang mga nakatrabaho ng 18 years
Pasasalamat ang kaganapan ngayong araw na ito sa Batangas Capitol dahil birthday ni Governor Vilma Santos-Recto.
Isang masayang kainan kasama ang mga empleyado ng Kapitolyo ang magaganap after ng misa sa umaga ayon sa text sa amin ni Gov. Vi.
“Gusto ko silang pasalamatan sa 9 na taon nilang pagtitiwala sa akin. Bukod ‘yon sa 9 na taon ko sa Lipa bilang mayor, 18 taon ‘yon na pinagkatiwalaan ako ng mga Batangueño. Masaya lang. Misa tapos pasasalamat sa empleyado. Tapos kainan!!” text sa amin ni Gov. Vilma.
Next year kasi, kung papalarin, sa Kongreso ang punta ni Gov. Vilma bilang representative ng lone district ng Lipa City.
“Jun, pakilagay rin ang pagtanaw ko ng utang na loob sa Lipa kung saan ako nanggaling at natutunan ang lahat para makaya kong silbihan ang buong lalawigan ng Batangas,” saad pa ng gobernadora sa text niya sa amin.
Subalit hindi lang sa Lipa mangangampanya si Gov. Vilma. Tatakbo muli bilang senador ang asawang si Sen. Ralph Recto kaya naman tutulong din siya sa asawa na maglibot sa buong bansa.
After all, ‘yung movie ni Ate Vi with Angel Locsin na All of My Life ay next year na ipalalabas kaya focus muna ang gobernadora sa iba pang proyekto niya sa Batangas.
Happy, happy, birthday Gov. Vi!
TV host todo-depensa sa mga kalokohan ng aktor
Nakakagulat daw ang pagiging vocal ng isang TV host sa isang papasikat na aktor.
Todo depensa siya sa mga naglabasang kalokohan ng aktor na hindi raw magagawa ‘yung eskandalong kinasangkutan niya.
Takang-taka naman ang ilang taong malapit sa host dahil hindi naman siya madalas nakikita ng aktor.
May mga iba pa namang artistang malalapit sa kanya pero dedma lang siya sa mga ito, huh!
Kaya naman ang mga artistang malapit sa host, binibigay na lang ang hilig ng huli dahil baka mapagalitan pa sila!
- Latest