‘Takot Ako, E’ Matet minumulto na kahit nu’ng bata pa
Do you know that among the actresses of her generation, si Matet de Leon ang so far, may pinakamaraming horror movies na ginawa?
Well, bukod sa Halimaw sa Banga, which she starred in 1986, she did, too, the following horror flicks, Takbo, Bilis, Takbo, Pagpag, Siyam na Buhay, Hellphone, Dalaw, at Shake, Rattle and Roll VI.
Speaking of Halimaw… Matet’s dialogue in the movie, Takot Ako, is what inspired a producer na gumawa ng pelikula of same title, adding to Takot Ako, the letter E.
Hence, the title Takot Ako, E., where Matet played the lead role.
It was while doing Takot Ako, E., Matet recalled, na naka-experience siya ng something frightening, which, to date, she said, still gives her goose pimples.
It was while preparing a scene raw for the movie, when she and her two companions ay nakaramdam na may nag-join sa kanila. Pero, ‘di nila ito nakikita.
Later nila ito napag-usapan ng mga kasamahan.
Ryzza Mae lumaking hindi kapiling ang ama
Sa kanyang kwarto na pink ang kulay, Ryzza Mae Dizon has a big framed photo collage prepared by her dad.
As we all know, hiwalay na ang parents ni Ryzza. May kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito. In fact, wala pang one year old ang bunsong kapatid ni Ryzza sa kanyang Mommy at bagong asawa nito.
At 10 years old, busy as a bee pa rin si Ryzza, since bukod sa pagiging regular host ng noontime program na Eat Bulaga, she also plays the title role in The Ryzza Mae Show Presents… Princess in the Palace, which also stars Eula Valdez.
Tessie gustong makatapos ng elementary
Nice to know na back in showbiz si Tessie Tomas, whom we’ve not seen or heard of for the last few years. She was in England pala kasama ang mister na Roger Pullin, a British marine biologist.
Well, Tessie top bills the movie, Old Skool where she plays a 69-year-old grandmother, na naghahangad pang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Directed by Tessie’s niece, Cia Hermosa-Jorge, Old Skool also stars Angel Aquino at Buboy Villar.
LizQuen at Gerald, namutiktik ng ‘hugot’ lines
Guess, Salve A., how much Star Cinema’s currently showing movie, Everyday I Love You, grossed when it opened Wednesday, October 28, in theaters nationwide?
Tumataginting na P16-M, ayon sa report ng PR head ng Star Cinema, Mico del Rosario.
Inaasahan pa ang pagdami ng manonood ng pelikulang ito nina Enrique Gil, Liza Soberano, at Gerald Anderson, since bukod sa nakakaaliw at nakakakilig ang movie, matured na kapwa ang roles na ginagampanan nina Quen at Liza. Namumutiktik din ito sa ‘‘hugot’’ lines. Na tiyak magiging bukambibig na ng mga nakapanood na ng movie.
PBB Big 4, napili na
Napili na finally ang apat na finalists in this year’s Pinoy Big Brother (PBB) 737 edition. Sila’y sina Dawn, Tommy, Miho, at Roger.
Namaalam na finally si Zeus, na naging agaw-eksena among his fellow housemates, dahil sa husay niyang sumayaw. Siya rin ang tanging boarder ni Kuya na punum-puno ng tattoo ang katawan.
Sa totoo lang, wala kaming mapili sa apat na natirang housemates kung sino ang aming pananalunin sa kanila, if I we’re a judge, kumbaga. Actually Salve A., ang mananalo depends on the number of text votes na kanilang makukuha from the audience.
Well, let’s wish all of them good luck.
- Latest