Anak nina Jolina at Mark balak gawan ng mall show
Tama ang sabi ng mag-asawang Mark Escueta at Jolina Magdangal-Escueta na very energetic ang anak nilang si Pele Iñigo Escueta. Pele raw in Hebrew means ‘miracle.’ Bago pa kasi nagsimula ang launch cum presscon ng Super Twins Premium Diaper kung saan ang first celebrity endorser ay si Pele, ikot na nang ikot ang bagets sa venue kaya ang yaya niya ang napagod sa bata.
Fan pala ni Jolina si Ms. Aileen Go at with the approval of her husband, Emilio Go, minabuti niyang gawing endorser si Pele ng two-month old product nila sa Megasoft Hygienic Product, ang Super Twins Premium Diaper. Hindi raw naman sila nagkaproblema sa shoot ng TV commercial dahil isinabay nila ang photoshoot at video. ‘Yung eksenang natutulog si Pele, hinihintay nilang tulog talaga ang bata.
Born on February 18, 2014, one year old and eight months na si Pele at ganoon din katagal ang contract nila sa commercial. Ayon kay Aileen, pwede raw nilang i-renew ang contract ni Pele.
Thankful si Jolina sa asawang si Mark dahil hindi raw niya mapalalaki si Pele without him dahil napaka-hands-on nito sa lahat ng bagay.
Lumaki raw na hindi masasakitin si Pele dahil hanggang ngayon ay bini-breastfeed pa siya ni Jolina, never pa raw nakainom ng milk formula ang anak nila. Sa ngayon, pinag-aaralan na nina Aileen ang possibility na magkaroon ng mall show si Pele dahil tulad ng mga magulang nito ay mahilig siyang kumanta.
Premiere night ng MMFF movie ng AlDub nire-request na gawin sa Philippine Arena
Humihirit na naman ang AlDub Nation kung pwedeng ang My Bebe Love nina Vic Sotto at AiAi delas Alas, na first movie rin together nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ay gawin sa Philippine Arena ang premiere night. Ang alam ko, hindi ito pwede dahil ang premiere night ay ginagawa bago ang official opening ng entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.
Pero saan nga ba pwedeng gawin ang premiere night? Noong Tuesday evening ay nag-guest si Alden sa Philippine International Convention Center (PICC) para sa isang event ng Department of Labor and Employment (DOLE) at may pagka-sosyal daw ang event. After the program, may photo-op dapat si Alden with the representatives ng 17 regions na ginawa sa ibaba ng stage. Hindi raw lamang nasunod ang photo-op dahil sa rami ng tao, na kahit hindi sila dapat ang ka-pictorial ni Alden ay naglapitan na.
Iniakyat na raw sa stage ang photo-op, pero after daw ng three or four regions, kinailangan nang tapusin dahil wala nang magawa ang security kung paano pipigilin ang mga tao at inalalayan na lamang nilang makalabas si Alden sa venue. Isa pa lamang si Alden dito, paano na kung magkasama na silang magpu-promote o magsu-show ni Maine para sa My Bebe Love?
- Latest