^

Pang Movies

Alden at Maine nagkausap at nagkakakilanlan na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagsimula nang mag-shooting ng My Bebe Love sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) kahapon after ng cast pictorial noong Monday nila nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Kaya na-interview pa si Alden ni Lhar Santiago for Chika Minute ng 24 Oras at itinanong sa kanya ang tungkol sa mahigpit na yakap niya kay Maine noong Tamang Panahon show sa Philippine Arena.

Wala raw talaga iyon sa script at sinabi lamang sa kanya ng staff ng Eat Bulaga na ‘do what you want’ kaya iyong lahat daw nang ginawa niya noon ay kung ano ang naramdaman niya nang oras na iyon.

Ngayon daw na magkasama na sila, may time na sila para mag-usap at makilala nang husto ang isa’t isa.

Bago pumunta sa shooting, hindi binigo nina Alden at Meng ang mga tagasubaybay ng kalyeserye nila dahil dumaan muna sila sa noontime show bago tumuloy sa shooting.

Marami nga palang nagtatanong kung saan sila makabibili ng Yes! magazine na cover sina Alden at Maine dahil noong araw na lumabas ito last October 25, madali raw naubos.

Ayon sa editor-in-chief ng glossy magazine, nagpa-reprint pa sila ng 50 thousand copies kahit ang initial print na nila ay 120 thousand copies.

Marami raw kasing tumatawag sa kanilang marketing office at nagrereklamo na wala silang nabi­ling kopya ng magazine.

Pabango ni Bea mabenta

Tween star Bea Binene will turn 18 na sa November 4, pero gagawin niya ang party sa (Sampaguita Gardens) sa November 3, para salubong na sa birthday niya.

Kung siya raw ang masusunod, gusto niyang pumunta na lamang sila ng family nila sa Japan para magbakasyon, dahil nanghihinayang daw siya na isang gabi lamang ang celebration at malaki ang magagastos.

Pero ayaw daw pumayag ni Mommy Carina at ng friends niya dahil once in a lifetime lamang darating ang debut sa buhay ng isang babae.

First dance raw niya ay si Alden Richards at nasabi na niya kay Alden pero hindi raw siya sure kung makakarating dahil alam niyang very hectic lagi ang schedule ni Alden.

Hindi naman niya sinabi kung papalitan niya ang magiging first dance niya.  Pero ang last dance niya ay ang best friend niyang si Kristoffer Martin.

Kahit anong pilit ng press na sagutin ni Bea kung iimbitahan niya ang ex-boyfriend na si Jake Vargas, ayaw niyang sagutin.

Wala nang gustong gift si Bea para sa sarili niya.  Basta after daw ng debut niya, magsisimula na siyang mag-taping ng bagong soap sa GMA 7 with good friend Derrick Monasterio.

Pero hindi hinahayaan ni Bea na maging relax lamang dahil wala pa siyang ginagawang soap, she puts her trust sa Arctic Rituals Fragrance Library at ang scents na pinili niya ay tinawag niyang Legally B na may tatlong exciting scents: Serenity, True Love at English pear and freesia.  Nang tanungin namin ang representative ng fragrance company, kung alin ang mabili sa mga scents, masaya raw sila dahil lahat ng scents ay binibili lalo na ng fans ni Bea.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ARCTIC RITUALS FRAGRANCE LIBRARY

BEA

BEA BINENE

CHIKA MINUTE

DAHIL

DERRICK MONASTERIO

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with