Lovi naghihintay kung lalapitan para sa kampanya
Ayon kay Lovi Poe, hindi pa naman daw siya nilalapitan ng tandem nina Grace Poe and Chiz Escudero para sumama sa mga campaign sorties for 2016 elections.
Kung sabagay ay malayo pa naman ang kampanya pero siyempre if ever ay willing naman daw siya.
“If they ask me pero depende rin sa schedule,” say ni Lovi nang makausap namin sa press launch kahapon ng bago niyang endorsement na Imono Steel Jewelry.
Matatandaang dumalo si Lovi sa declaration ni Chiz at agaw-pansin sa nasabing event ang pagsasama-sama nila nina Grace at Susan Roces.
Talagang pinagpistahan ng mga TV cameramen and photographers ang rare moment na iyon.
“I’ve seen them naman before pa, eh. Pero siguro, nagkataon na nagkaroon lang ng photos siguro. And they’ve always been nice naman to me,” say ni Lovi.
Pero pagkatapos nito ay may intriga pa rin dahil a night before Chiz’ declaration ay si Grace ang nag-declare pero hindi siya nakapunta.
Paliwanag ni Lovi, nagkataong may taping sila ni Heart nang gabing iyon kaya hindi sila nakarating.
“So I texted her na lang na hindi ako makakapunta, bawi na lang ako.”
What if magkaroon ng offer sa kanya ang ibang kandidato sa pagka-Pangulo at Bise Presidente na i-endorse niya, tatanggapin ba niya?
“My support cannot be bought. This is family. And it’s not just about family, it’s believing in someone,” deklara ni Lovi.
Samantala, dalawa sila ni JC de Vera na napili ng Imono para mag-endorse ng nasabing produkto.
Amy at Carlo, gwardyado ng DSWD
Game na sinagot lahat ni Amy Perez ang mga katanungan sa kanya ng entertainment press sa presscon and contract signing niya with ATC Healthcare for Strike Multi Insect Killer.
Pati nga ang tungkol sa paga-adopt ng kanyang asawang si Carlo Castillo sa panganay niyang anak na si Adi ay natanong at naging open naman siya tungkol dito.
Si Adi ay anak ni Amy sa una niyang asawang si Brix Ferraris na dating miyembro ng bandang South Border.
Na-annul na ang kasal nila few years ago and last year, nagpakasal siya kay Carlo na isang radioman and TV5 reporter na eight years na niyang karelasyon at ngayon ay may dalawa na silang anak.
“Nasa process na kami ngayon ng adoption. Tapos na ‘yun, may pumunta na sa bahay na taga-DSWD (Department of Social Welfare and Development), in-observe na kami, in-interview na si Adi, in-interview na rin si Carlo.
“It’s actually more mabigat kay Carlo kasi siya talaga ‘yung tinitingnan at ino-obserbahan ang estado kung kaya niyang i-adopt si Adi. So, nandu’n na kami ngayon sa proseso na ‘yun. This year, sana matapos na,” kwento ni Amy.
Noon pa naman daw ay kinausap na nila si Adi tungkol dito at noong una raw, siyempre may mga fears and questions ang bagets.
“Ang unang tanong niya, “ano na ang mangyayari sa akin, sila (his siblings) Castillo, ako hindi”, so in-explain namin sa kanya,” she said.
Ipinaliwanag daw nila kay Adi na kailangan siyang i-adopt ni Carlo para kung anuman ang mangyari sa kanilang mag-asawa, lahat silang magkakapatid ay pantay-pantay sa mga mananahin nila.
“So, lahat ‘yun inayos, plinantsa lahat ni Carlo,” say pa ni Amy.
Samantala, masayang-masaya naman ang TV host sa offer ng ATC Healthcare para mag-endorse ng Strike dahil kasama niya rin sa commercial ang asawa at anak.
JC walang utang na loob sa GMA?
Nakausap din namin si JC sa nasabing press launch ng Imono at natanong naman siya hinggil sa naging statement niya recently sa isang interbyu na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay wala siya.
Marami ang nag-react sa sinabi niyang ito lalo pa nga’t everybody knows na sa GMA 7 siya nagsimula at dito siya unang nakilala.
“Eh kasi hindi mo maiwasang masabi ‘yun kasi nag-end na ‘yung contract ko sa TV5 (ang network na nilipatan niya after GMA 7) and nag-end na rin ‘yung contract ko sa manager ko (Annabelle Rama) that time, so talagang ready na ako na akala ko done deal na ako, akala ko finish na, the end. Nandu’n na ako sa point na ganu’n.
“Then dumating si Leo Dominguez, tapos yun nga, nilipat ako sa ABS-CBN, so sabi ko kung hindi ako kinuha ng ABS-CBN, wala rin, the end na talaga. Kaya talagang masasabi ko na without ABS-CBN, hindi ako ganito ngayon, ‘di ba?” pahayag ni JC.
Kaya sobrang grateful and thankful daw niya sa Kapamilya na nagbukas muli sa kanya ng panibagong kabanata sa kanyang career.
- Latest