^

Pang Movies

Pagiging pulis ni Coco mabenta sa mga bata

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami nang fans si Simon Pineda bilang Onyok na sidekick ng Kuya Cardo (Coco Martin) niya sa palabas na Ang Probinsiyano ng ABS-CBN. 
At hindi lang si Coco  ang nangangamoy na magkaroon ng acting award sa mga darating na award season, kundi maging si Simon din na tiyak na bibigyan ng magandang laban ang mga makakatapat.

At hindi pa nga nagsisimula ang pelikulang Darna na pagbibidahan umano ni Liza Soberano, matunog na ang pangalan ni Onyok na sina-suggest na puwedeng-puwedeng maging si Ding. Sa lakas nga naman ng karisma at galing umarte ng bata, puwede siya sa pelikula.

Samantala, kung dati walang mintis na ginagaya ng mga bata sa harap ng bahay namin si Coco  na may mga porma pa na  may hawak na  papel na  ginagawang baril-barilan, ngayon pati si Onyok at ang astig na pagsasalita nito kuhang-kuha na nila ang akting.

Noong hindi pa nga nagsisimula ang Probinsiyano idol na idol na ng mga bata si Coco dun sa kalye namin. Pinalitan na nga ng tatlong bagets ang pangalan nila ng Coco, Carding, at Cardo na nag-aastang mga pulis. Bale ba  sa laro nilang pulis-pulisan, siyempre may aastang bida na ala-Coco at  kontrabida pa na panay ang barilan sa isa’t isa.

May time na ayaw pang pumasok sa eskuwelahan ng isang bata. Pero pinaliwanag lang sa kanya ng teacher na si Coco ay college graduate. Katuwiran ng bata hindi raw nag-aaral si Coco dahil laging baril nga ang hawak. Pero ipinaliwanag sa kanya na tapos ng college si Cardo kaya siya naging pulis. Ngayon pumapasok na ang bagets pero laging may bitbit na ruler sa bulsa dahil siya nga si Cardo na pulis na ngayon.

Mukhang maraming bata na nangangarap ma­ging pulis balang araw  dahil sa palabas na Ang Probinsiyano. Dapat  lang gabayan ng magulang sa panonood ang mga bagets.

Gabi ng Lagim sa Star City, bubuksan uli

Magkakaroon ng selebrasyon ng Halloween sa pinakasikat na amusement park sa bansa, ang Star City ngayong Sabado, ika-31 ng Oktubre.

Bubuksan na muli ang Gabi ng Lagim sa ikalawang palapag ng Star City. Puro bagung-bago at kakila-kilabot na panggulat tulad ng mga exciting na bagay sa haunted house na pinuno nila ng mga panakot na dinisenyo ng creative team gamit ang pinakabagong teknolohiya ang paaandarin upang garantisadong mapasigaw sa takot ang mga dadaan sa loob.

Ang mga batang may edad na 12 pababa na darating sa Star City nang naka-Halloween costume ay bibigyan naman ng 50% discount sa mga ride-all-you-can ticket.

Pagdating ng alas-otso ng gabi, walang patid na tugtugan naman ang yuyugyog sa mga bisita pagsampa sa entablado ng kilalang bandang 6 Cyclemind.

ANG

ANG PROBINSIYANO

COCO

COCO MARTIN

KUYA CARDO

LAGIM

LIZA SOBERANO

MGA

NBSP

ONYOK

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with