^

Pang Movies

Young actress naudlot ang career dahil sa mahaderang ina!

Ruel Mendoza - Pang-masa

Emote Pa More at Reklamo Pa More ang stage mother na ito dahil matagal na raw walang project ang kanyang anak.

Nagtataka rin ang young actress kung bakit hindi na raw siya pinagbida ulit, eh isa sa mga top-rater naman daw ang pinagbidahan niyang teleserye?

Ayon sa aming source ay wala naman daw problema sa young actress. Ang problema daw ay ang nanay nitong Fil-Am (Filingera at Ambisyosa).

Marami raw ang naging reklamo sa stage mother na ito kaya nabitin ang stardom sa young actress.

Gusto na kasing umiwas sa problema ang production staff sa stage mother.

Masyado raw kasing atribida ang stage mother at mahilig pa raw magdala ng maraming bisita sa taping ng anak niya.

Bukod sa hindi sila mapagsabihang tumahimik, nakikipagtalo pa raw ang stage mother sa caterer kapag hindi masarap ang pinapakain sa anak niya.

Kaya dahil sa nakakahiyang ugali ng stage mother, apektado tuloy ang career ng young actress na hiyang-hiya na rin sa mga pinaggagawa ng kanyang ina.

Alonzo pahinga muna sa serye

Okey lang daw kay Niño Muhlach na samahan ang kanyang anak na si Alonzo Muhlach sa mga lakad nito.

Nahihirapan daw kasi ang kanyang misis sa sakit nitong scoliosis.

“Noon kasi, ang mama ni Alonzo ang kasama niya sa mga taping at shooting.

“Eh masyado na yatang napagod. Ayun sumumpong ang sakit niya.

“Naaawa naman ako kasi hindi na masyadong makakilos ng maayos ang asawa ko.

“Kaya ako na muna ang sumasama kay Alonzo.

“Hindi naman siguro ako mapagkakamalang stage father, ‘di ba?” sabay tawa ni Onin.

In-demand na child endorser si Alonzo at nakakalimang endorsements na raw ito. Ang pinakabago ay ang Frabelle Hotdog.

Bagay na bagay daw kay Alonzo ang Frabelle dahil paborito nito ang hotdog.

“Naku mula umaga, tanghali, gabi ay hotdog ang gusto niyang kainin.

“Ang maganda naman sa Frabelle, kahit na processed food siya, very healthy at safe sa kalusugan ng mga bata,” diin pa ni Onin.

Wala daw munang teleserye na gagawin si Alonzo dahil mas gusto ni Onin na nasa school ito.

Kahit nga raw naging busy noon si Alonzo sa Wansapanataym, naging honor student pa ito.

“Ngayon kasi at may school, hindi ko muna pinapayagan magkaroon ng taping. Ayokong mapagod siya at masira ang pagtulog niya.

“Gusto kong uma-attend siya sa school para maging normal ang buhay niya.

“Kapag bakasyon na lang, doon ako puwedeng pumayag na mag-teleserye si Alonzo.”

vuukle comment

ACIRC

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

DAW

EMOTE PA MORE

FRABELLE

FRABELLE HOTDOG

KAYA

ONIN

RAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with