Anak ni Michael Jackson na si Paris humingi ng saklolo sa fans
Nakikiusap ang 18-year-old daughter ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson na tigilan na ng kung sino ang nag-imbento ng sinasabing Instagram account niya.
Humingi ng tulong si Paris Jackson sa kanyang fans na hanapin ang impostor na ito dahil marami na itong naloloko. Umabot na raw sa 200,000 followers ito.
Diin ni Paris na wala siyang public profile at gusto niyang ma-shut down ang account na ito.
Naalarma si Paris dahil naka-post sa naturang IG account ay ikakasal na raw siya sa kanyang boyfriend na si Chester Castellaw.
Hindi raw ito totoo kaya nais ni Paris na maisara na ang fake IG account na ito.
- Latest