^

Pang Movies

Suko na Vice tanggap na hindi kayang pataubin ang EB! Tinalo ang Felix Manalo...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi iyong sinasabing 39 million tweets na “certified real and organic”, na tumalo sa record ng world football match, o iyong sinasabing 55 thousand live audience sa Philippine Arena na tumalo sa mismong record ng Iglesia ni Cristo nang ilabas nila doon ang pelikula tungkol sa kanilang founder na Felix Manalo kung saan mayroon lamang silang 43 thousand na au­dience, ang talagang nakatawag ng aming pansin.

May importante kasi kaming lakad kaya hindi namin napanood ang alinmang noontime show noong isang araw, pero ang nakatawag ng aming pansin ay ang sunud-sunod na text na aming natanggap mula sa ilan naming kaibigan na nag-share pa sa amin ng video kung saan sinabi ni Vice Ganda na taas na ang kanilang bandera at inaamin nilang maski magsirku-sirko siya, hindi nila matatalo ang Eat Bulaga.

Sinabi rin niya na hindi naman sila nagshu-show para labanan ang Eat Bulaga kundi maki-share lang sa natitira pang audience na hindi nanonood ng nasabing show.

Nakakagulat iyan, dahil hindi naman ganyan ang tono nila noong nakaraang panahon. Hindi nga ba sinabi pa niyang iyong tweets naman sa Eat Bulaga ay hindi “real and organic” kagaya ng sa kanila? Natigil nga lang iyon nang mismong ang Twitter na ang nagsabing totoo iyon.

Maniniwala rin ba naman tayo na ang hangad lang nila ay mapasaya ang ibang mga taong hindi nanonood ng Eat Bulaga? Hindi ba may panahon na pilit nilang nilalabanan ang show at sinasabing sila ang nangunguna base roon sa survey ng Kantar Media?

Aminin na natin, iba ang tono ng kanilang salita noon. Iyon bang attempt na ilagay ang lahat ng kanilang sikat na love teams para labanan ang AlDub, at gumastos ayon sa isang insider ng halos 20 million pesos sa show na iyon, masasabi mong pakikiamot lamang sa mga matitirang audience na hindi nanonood ng Eat Bulaga?

Aminin natin ang totoo na ang hangad din nila ay makapagbigay ng isang malakas na kumpetisyon laban sa Eat Bulaga, particularly sa AlDub. Pero siguro noong makita nga nila ang audience na tumalo maski roon sa record mismo ng Iglesia ni Cristo sa kanilang teritoryo, aba eh itinaas na nga nila ang kanilang dalawang kamay, kasama na ang dalawang paa.

Kung kami ang tatanungin, maganda ang sinabing iyon ni Vice Ganda. Wala namang masama kung umamin man sila ng pagkatalo. Ngayon sinasabi na nila, “kaibigan” naman daw nila ang hosts ng Eat Bulaga at hindi sila magkakaaway. Hindi rin ganyan ang tono nila dati.

Pero sabi nga namin, walang masama kung ang isang tao o ang isang grupo ay umamin na ng kanilang pagkatalo.

Tama iyong obserbasyon ni Janno Gibbs ilang araw na ang nakara­raan. Sabi nga ni Janno, halata raw na nagpa-panic ang mga nasa Showtime. Nagbigay pa nga siya ng e­xample eh. Iyon daw kanilang show sa TV5, iyong Happy Truck ng Bayan, na ang totoo ay siya na­ming pinanonood kung Linggo ay pangatlo lamang sa ASAP at sa Sunday PinasSaya. Pero ini-enjoy lang nila ang kanilang show. Hindi sila nagpa-panic.

Mayroon namang naiiwang audience talaga eh, kagaya nga namin. Pinanonood namin ang Happy Truck ng Bayan dahil siguro iyon lang ang isang araw na hindi namin makikita sina Wally Bayola at Jose Manalo. Kung hindi ka pa manonood ng Happy Truck ng Bayan, baka magsawa ka na at hindi ka na matawa kina Wally at Jose. Lunes hanggang Linggo na sila sa noontime eh, puwera pa iyong sa ibang oras. Magsasawa ka rin naman kung ganoon na.

Pero ang maganda, naamin na ni Vice ang katotohanan, na hindi na nila kayang labanan ang isang phenomenon.

ACIRC

ANG

BAYAN

EAT BULAGA

HAPPY TRUCK

HINDI

KANILANG

KUNG

NGA

NILA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with