^

Pang Movies

Bea naglambing sa AlDub fans, hinihiram si Alden ng isang gabi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Alden Richards ang magiging first dance ni Bea Binene sa kanyang magaganap na 18th birthday na Manila Hotel in November kung hindi makakara­ting ang kanyang ama.

Ayon sa Kapuso debutant, hindi pa raw sigurado ang ama niya kung makakarating ito.

“Hindi pa kasi nagku-confirm kung makakara­ting si daddy.

“Siyempre, gusto ko naman on that day, makumpleto naman ang family namin, ‘di ba?

“Pero if ever nga na hindi makarating si daddy, si Alden ang sinabihan ko na maging first dance ko.

“Hindi pa naman din nagku-confirm si Alden kasi sobrang hectic ng schedule niya “Kapag makarating siya, siya ang maging first dance ko.”

Matagal na ngang magkaibigan sina Bea at Alden ever since na nagkasama sila sa TV show na Tween Hearts at sa pelikulang Tween Academy.

Ilang mga regional shows na rin ang pinagsamahan nila noon kaya naging very close sila.

Kaya naglambing si Bea sa AlDub Nation na pagbigyan siyang makasayaw ni Alden sa araw ng kanyang debut.

“Debut ko naman, ‘di ba?” tawa pa ni Bea.

“Kaya birthday gift na rin ng fans ng AlDub ang mapayagan si Alden to be my first dance.”

Aware si Bea kung gaano ka-protective ang fans nila Alden at Yaya Dub. Napag-initan nga ng ilang AlDub fans si Kris Bernal noong mag-post ito ng photo nila ni Alden na magkasama sa isang show sa Instragram account niya.

“Kaya nga inuunahan ko na sila ng lambing, eh.

“Birthday ko naman at isang gabi lang naman iyon.

“Hindi ko aagawin si Alden kay Yaya Dub, pro­mise!” tawa pa niya ulit.

Kasama rin si Alden sa 18 roses kung saan ka-join ang ilang Kapuso actors na sina Ken Chan, Enzo Pineda, Jeric Gonzales, Julian Trono, Miguel Tanfelix, Paul Salas, Rodjun Cruz, Derrick Monas­terio, Rafa Siguion-Reyna at Kristoffer Martin.

Hindi nga kasama sa 18 roses ang ex-boyfriend ni Bea na si Jake Vargas.

Ang mga Kapuso girls naman na kasama sa 18 candles ay sina Aicelle Santos, Cata Tibayan, Glaiza de Castro, Krystal Reyes, Winwyn Marquez, Louise delos Reyes at Barbie Forteza.

Meg nakipag-close sa kabayo

Wala na ngang makakapagpigil pa sa Kapamilya actress na si Meg Imperial sa kanyang pagpapa-sexy dahil siya na ang napili bilang bagong White Castle Girl.

Nagkaroon na raw ng photo shoot ang aktres suot ang iconic red bikini at kasama na rin niya ang puting kabayo na isa sa mga simbolo ng White Castle Whiskey.

“When Boss Vic (del Rosario) told me na ako ang napiling bagong White Castle Girl, nagulat ako and at the same time natuwa kasi malaking endorsement ito,” ngiti pa ni Meg.

Ang mga dating White Castle Girls ay sina Lorna Tolentino, Carmi Martin, Cristina Gonzalez, Glydel Mercado, Roxanne Guinoo, Angela Velez and R.R. Enriquez.

Bilang paghahanda ni Meg, pinag-aral pa itong sumakay ng kabayo.

“Nag-training pa talaga ako. Hindi mo pala puwedeng basta sakyan ang kabayo.

“Kailangan maging pamilyar muna kayo sa isa’t isa. Kailangan ay friends kayo para maging kumpor­table siya sa iyo.

“So far, okey naman ang training at mag-shoot na kami kapag okey na.”

Gumanda nga ang career ni Meg noong mag­desisyon siyang maging daring ang kanyang image.

Nagsimula siyang magpa-sexy sa pelikulang Menor de Edad noong 2013. Nasundan ito ng teleserye na Moon of Desire sa ABS-CBN at ng pelikulang Ex With Benefits.

First movie ni Meg sa Metro Manila Film Festival ang Nilalang kung saan bida sina Cesar Montano and Japanese actress Maria Ozawa.

Kamang ginamit ng 1D bentang-benta sa fans

Ang kama na hinigan ng One Direction member na si Harry Styles sa music video na Perfect ay hot tourist attraction na sa New York City.

Nag-shoot ng music video ang 1D sa InterContinental Hotel in NYC at noong mapanood ito ng fans, nagtanong ang mga ito kung puwede ba nilang ma-book ang naturang kama para mahigan nila.

Pati na ang Manhattan suite ng hotel kung saan ginawa ang music video.

Ayon sa manager ng hotel, pumayag sila na ma-book ang kama sa halagang $5,000 a night. Na-book ito agad-agad for one week straight!

Ang suite naman ay nagkakahalaga ng $1,500 a night. Na-book ito kaagad in-advance ng fans.

Naging malaking tulong ang paglabas ng pangalan ng hotel sa naturang music video ng 1D dahil hindi tumigil ang mga nagpapa-reserve para sa kama at sa suite.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

BEA

HINDI

ITO

KAPUSO

KAYA

KUNG

NAMAN

WHITE CASTLE GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with