^

Pang Movies

Gustong matulad sa ‘terorista’ kontrabida ng EB, ikinakalat na maraming bakanteng silya sa tamang panahon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpapakontrobersyal at nagpapapansin ang kontrabida na televiewer na nagkakalat ng tsismis na marami ang mga bakanteng silya sa Philippine Arena, ang venue kahapon ng Tamang Panahon show ng Eat Bulaga.

Kitang-kita sa television set ko na punumpuno ng audience ang Philippine Arena at nakaupo na lang sa steps ng hagdan ang ibang manonood.

Marami nga ang hindi nakapasok at nakuntento na lang na tumambay sa labas ng Philippine Arena dahil sold out na ang tickets.

Saksi rin ang entertainment press sa napakaraming tao na matiyagang naghintay sa pagsisimula ng Eat Bulaga.

Kung hindi makitid ang isip, type siguro ng naninira sa Eat Bulaga na mapagtuunan siya ng pansin at matulad sa “terorista” na nag-tweet na may bomb threat sa Philippine Arena pero naduwag nang mapagtanto niya na banta sa national security ang kanyang ginawa.

Pia mas piniling makapiling ang pamilya kesa mag-pabebe

May valid reason si Pia Guanio kaya wala siya kahapon sa big show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Kahapon ang actual 42nd birthday ni Pia kaya hindi siya umapir sa Eat Bulaga.

Understandable ang absence ni Pia dahil baka may nauna na ito na plano bago pa niya nalaman na may malaking event ang Eat Bulaga sa Philippine Arena sa mismong birthday niya.

Marami ang naghanap kahapon kay Pia sa Eat Bulaga kaya proven na relevant co-host siya ng number one noontime show sa Pilipinas.

Kahit tambak ang sponsors, EB malaki ang nagastos sa no commercial break

Gumawa uli ng kasaysayan sa telebisyon ang Eat Bulaga dahil sa kanilang non-stop show.

Walang commercial break ang Tamang Panahon pero sangkatutak ang major sponsors na pawang malalaking kompanya.

I’m sure, malaki ang nagastos ng TAPE Inc. pero bale-wala ang lahat dahil mas mahalaga na napaligaya nila ang milyun-milyong viewers ng kanilang programa.

Nagtagumpay ang TAPE Inc. dahil marami ang pinatawa, pinaluha at pinaligaya ng episode kahapon na tinututukan ng mga Pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Hindi ako nagpunta sa Philippine Arena pero kabilang ako sa milyun-milyong Pinoy na nag-abang at nanood ng Eat Bulaga.

Mortal sin sa bahay namin na hindi panoorin ang Eat Bulaga dahil fan na fan nito ang mga maid of honor ko.

Hindi kumpleto ang kanilang araw kung hindi nila mapapanood ang Eat Bulaga.

Malakas ang kutob ko na type nila na sumugod sa Philippine Arena pero nahiya sila na magsabi sa akin. Kung ako nga na invited, hindi nagpunta, sila pa kaya? Alam naman nila na mag-aalala ako hangga’t hindi sila nakakabalik ng bahay, lalupa’t alam ko na napakalayo ng Philippine Arena mula sa aming lugar.

‘Belated Happy birthday, Alfred!’

Belated happy birthday sa alaga ko, si Congressman Alfred Vargas na nag-celebrate kahapon ng birthday niya.

Kakandidato uli si Alfred na house representative ng 5th District ng Quezon City sa susunod na taon pero wala siyang kalaban.

May opponent man siya o wala, sigu­rado ako na mahahalal uli si Alfred sa puwesto dahil maganda ang kanyang track record bilang congressman ng 5thDistrict. Love na love si Alfred ng constituents niya dahil sa kanyang mga tulong at project na pinakikinabangan nang husto ng lahat. (Belated happy birthday Cong. Alfred. - SVA)

ACIRC

ANG

ARENA

BULAGA

DAHIL

EAT

EAT BULAGA

HINDI

PHILIPPINE

PHILIPPINE ARENA

TAMANG PANAHON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with