^

Pang Movies

Heart humaba na naman ang buhok, sinorpresa ng asawa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matindi ang paniniwala ni Papa Chiz Escudero na ang mga isinampa na kaso laban sa kanyang running mate at na­ngungunang presidential con­tender na si Sen. Grace Poe ay bahagi ng “knee-jerk reaction” ng mga kilalang partido at pamilya sa pulitika na nagnanais na manatili sa puwesto at habambuhay na makinabang sa kapangyarihan.

Ang sey ni Papa Chiz, ang mga lider at puwersa ng lumang pulitiko at pamilya, na pinangangalandakan ang umano’y pagtataguyod nila sa tapat at may pananagutan na pamamahala, ang pilit na humahadlang sa pagtakbo ni Mama Grace.

Si Mama Grace ang kumakatawan sa bagong sibol na uri ng pulitika sa bansa, ang pulitikang kumakatawan sa mga “pulot at nasa labas ng tore ng kapangyarihan.”

Para kay Papa Chiz,  “tila araw si Mama Grace na nasa gitna ng isang solar system” na humahatak ng napakalaking suporta mula sa iba’t ibang sektor ng lipu­nan, sa kabila ng mga paninira sa kanya ng mga “old timer” sa mundo ng pulitika.

Ito ay ang mga lumang pulitiko na nawalan na ng ningning pagdating sa pamamahala.

Pero hindi na umuubra ang gimik ng mga lumang pulitiko sa pagpapahina ng kandidatura ni Mama Grace dahil bonggang-bongga pa rin siya sa iba’t ibang mga survey.

 “Pulot man sa tabi ng simbahan” at inampon ng mga kilalang artista, kitang-kita kay Mama Grace ang pagnanais niya na baguhin ang lipunang Pilipino.

Kapag nag-win si Mama Grace, sure ako na  magiging tinik siya sa lalamunan ng mga pulitiko na mga pansariling  interes ang pinoprotektahan.

 “Naniniwala ako at si Sen. Grace na patas, matalino, makatarungan ang mga botanteng Pilipino at malalim ang paniniwala namin na makikita ng taumbayan kung ano ang totoong motibo ng mga taong ito na gumagawa ng kung anu-anong kaso para lamang maalis si Sen. Poe sa  presidential race,” ang sey ni Papa Chiz.

Kumpiyansa si Papa Chiz na mapagtatagumpayan ni Mama Grace ang mga kasong isinampa laban sa kanya na imbento ng mga kalaban nila sa pulitika.

Kahit busy sa pulitika, hindi naman nakakalimutan ni Senator Chiz na bigyan ng sorpresa ang kanyang misis na si Heart Evangelista.

Feeling so beautiful at very happy si Heart nang bisitahin siya ni Papa Chiz sa set ng Beautiful Strangers ng GMA 7 noong Miyerkoles, October 21.

Nabigla si Heart dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ni Papa Chiz sa taping ng Beautiful Strangers sa isang lugar sa Quezon City.

 “Busy bee” ang tawag ni Heart sa kanyang dyowa dahil sobrang hectic ng mga schedule nito, kesehodang hindi pa nagsisimula ang kampanya. Wala nang atrasan ang pagkandidato ni Papa Chiz bilang bise presidente ng bansa natin sa eleksyon sa 2016. 

Pero abalang-abala man siya, may oras na nakalaan si Papa Chiz para sa kanyang misis. May quality time ang dalawa para sa kanilang mga date.

Magkasama na pinanood, kamakailan, nina Heart at Papa Chiz ang pelikula na Heneral Luna. 

Alonzo, kalebel na si Papa Chiz!

Hindi na ako nagpunta kahapon sa presscon ng GMA Ar­tist Center para kay Bea Binene dahil may pinuntahan ako na ibang event.

Na-miss ko rin ang press launch ng Frabelle para kay Alonzo Muhlach, ang bagong endorser ng kilalang food  company.

Magka-level na sina Alonzo at Papa Chiz dahil endorser din ito ng mga produkto ng Frabelle.

ACIRC

ALIGN

ANG

CHIZ

LEFT

MAMA GRACE

MGA

NBSP

PAPA CHIZ

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with