^

Pang Movies

AiAi sinuwerte nang masira ang friendship kay Kris

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Noong araw, isinama akong magsimba sa Baclaran Church ni Konsehala Barbara Milano at parang ayaw kong maniwala sa nakita ko na isang artistang nakaluhod at nagdarasal.

Hindi ako sanay makakita ng artistang nakaluhod.

Tama ang hula namin ni Barang, si AiAi delas Alas nga.

Walang gaanong nakakapansin kay AiAi dahil simple lang ang suot nito at nag-iisa. Ngayon hindi nakakapagtaka, kung bakit bumabalik ang swerteng muntik nang mawala sa kanya noon.

‘Yon ang mga panahong nasa ABS-CBN pa siya at best friend forever kuno si Kris Aquino. Sa hindi malamang dahilan, lumamlam ang career ng kanyang kasikatan.

Lalo na noong hindi na sila BFF ni Tetay.

May mga insidente pang nag-show siya pero hindi naging maingay. Meron ding insidente na magku-concert sana siya kasama si Richard Yap pero hindi natuloy. Nagkaproblema sila at waring dumilim ang paligid noon ni AiAi.

Hanggang sa puntong parang hindi na makahinga kaya lumipat na siya ng Kapuso noong matapos ang kanyang kontrata sa Dos.

Ngayon, biglang naging reyna ang feeling ni AiAi sa blessings na dumadating.

Natagpuan niya sa GMA ang matagal na niyang hinahanap. Mga proyekto at pagmamahal. Bongga ang rating ng Sunday PinaSaya, tuwing Sunday at CelebriTV tuwing Saturday.

Lalong sumaya si AiAi noong kunin siya ni Mother Lily Monteverde at gawing isang Regal Baby.

Sagot sa mga dasal ni AiAi ang blessings na dumarating. May movie pa siyang kasama sa MMFF katambal si Bossing Vic Sotto at phenomenal stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Ano pa nga ba ang mahihiling  ng isang AiAi delas Alas?

Paolo hindi nauubusan ng raket

Hindi nauubusan ng raket ang Eat Bulaga baby na si Paolo Ballesteros. Hindi akalaing magiging isang magaling na komedyante ang dating That’s Entertainment baby noon. Bukod sa pagpapatawa, marunong ding kumanta at sumayaw ang actor from Talavera, Nueva Ecija.

Sa Eat Bulaga, umaagaw ng eksena si Paolo sa pagko-comedy. Ginaya nga niya ang histura ni Yaya Dub, at mismong si Maine ay namangha. Isa rin siyang magaling na make-up artist at nagagaya kahit sinong gustong ipagaya sa kanya.

Maswerte si Paolo, napunta siya sa Eat Bulaga. Kahit walang teleserye tuluy-tuloy ang raket niya.

Kahit baguhan, Jazz hindi nagpatalbog sa iyakan

Ayaw paawat ang baguhang si Jazz Ocampo na kasali sa teleseryeng My Faithful Husband.

Nagkaroon ng involvement si Jazz sa isang trahedya sa pamilya at kaila­ngang mabilanggo siya.

Kaeksena niya sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Snooky Serna, pero hindi nagpatalbog si Jazz, lumalaban siya sa crying scenes with action.

Baguhan lang si Jazz pero naisabak na kaagad sa Magpakailanman. Malayo ang mararating niya.

Maraming artista mas may oras na sa pulitika

Tatakbong Mayor ng Angeles City si Senator Lito Lapid ngayong coming election. Type niyang mapalapit na uli sa mga kababayan sa Porak, Pampanga.

Si Tourism official Mark Lapid naman ang papalit na kakandidatong senador. Si Congressman Lani Mercado naman ay tatakbo sa Bacoor, Cavite.

Bilang konsehal naman sa Pantabangan, Nueva Ecija si Jason Abalos, Roderick Paulate konsehal sa Quezon City, Imelda Papin kongresista sa Camarines Sur.

Sana huwag dumating ang pagkakataong, maubusan ng artista dahil nasa pulitika na sila lahat dahil dito nakasalalay kinabukasan. Sabi nga, where the grass is greener, doon tayo go!

AIAI

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELES CITY

BACLARAN CHURCH

BOSSING VIC SOTTO

EAT BULAGA

HINDI

NUEVA ECIJA

SIYA

YAYA DUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with