^

Pang Movies

Tom inaming matagal nang nag-i-enjoy kay Carla

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagkatawanan sa presscon ng No Boyfriend Since Birth (NBSB) ng Regal Entertainment Inc. dahil kahit anong kulit ng mga entertainment press kina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila mapaamin ng tunay nilang relasyon, hanggang ngayon, wala pa ring label ang kanilang relasyon.

“May mga tao talaga na gusto nilang i-keep to themselves kung anuman ang nararamdaman nila sa isa’t isa,” to the rescue sa kanila ni Direk Joey Reyes.  “Ibigay na natin iyon sa kanila.  Ayaw ko rin namang maging assuming kahit nakikita ko namang very sweet sila sa isa’t isa,” dagdag ng director nila sa pelikula.

“I’m enjoying the whole process, Carla is very special to me,” sabi naman ni Tom. “At matagal-tagal na ring we are exclusively dating, What you see is what you get,” paliwanag naman ni Tom.

“Ako naman, kung ano ang gusto ninyong isipin sa aming dalawa ni Tom, okey lamang sa akin,” say naman ni Carla.  “Naniniwala kasi ako na lahat ng bagay may tamang panahon, in God’s time.  At kapag dumating iyon, I will be ready,” depensa naman ni Carla.

Marami raw makaka-relate sa story ng NBSB, ayon kay Direk Joey.

Si Carla ay si Karina at may high school crush siya, si Carlo (Tom).  Nagtrabaho si Carlo sa Canada as a photographer at ina­lagaan niya ang crush niya kay Carlo. Bumalik si Carlo sa bansa at muli silang nagkita sa isang kasalan dahil executive ng isang bridal shop si Karina at bridal photographer naman si Carlo.  Madalas magkasama sa mga events, na-in love na si Karina, pero si Carlo, trabaho lamang lahat iyon at hindi niya pinapansin ang mga pagpapa-cute sa kanya ni Karina. Give-up na si Karina saka naman siya inaya ni Carlo na maging business partners sila.  Bibigay na ba si Karina?

Kasama pa rin sa cast sina Mike Tan at Bangs Garcia.  Mapapanood na ang romantic comedy movie simula sa November 11 in cinemas nationwide.

Baka madaganan lang ‘pag nagkagulo mga bata bawal sa tamang panahon ng AlDub

Sinagot na nina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon ang maraming inquiries tungkol sa transportation ng mga manonood ng Tamang Panahon ng Eat Bulaga.

Free transportation ito na bigay din ng noontime show.  May three stations kung saan kayo dapat pumunta.

Sa Broadway Centrum Aurora Blvd. Q.C. MDC buses; sa Cubao Station, EDSA cor P. Tuazon, Cubao – south bound lane, FIRST North Luzon buses, Bataan buses at sa Navotas Terminal C-4 Road Centennial Park, Navotas City – RRCG buses, Bus Link Buses and Delta Buses. Sa pagpasok sa bus, ipakita lamang ang binili ninyong tickets.

Ang first trip ay 6:00 a.m. at second trip ay 7:00 a.m., first come first serve. Pasensiya na raw ang maiiwanan kung hindi kayo darating on time dahil kailangan na lamang ninyong dumiretso sa Philippine Arena.

May advices din ang tatlong lola, na iyong walang tiket, huwag na lamang pumunta sa venue dahil mahihirapan lamang kayo, maging Team Bahay at kasama ng Team Abroad, mayroon din daw sorpresa sa inyo si Lola Nidora. Ang pwede lamang batang makapasok sa venue ay 7 years old and above. Ipinaalaala ring magdala sila ng jacket dahil napakalamig sa loob.  Para hindi magulo, sundan lamang kung ano ang picture na nasa ticket ninyo at sa pintuang iyon na may mala­king picture, doon kayo papasok.  Hindi rin kayo basta uupo, hanapin ang inyong seat number na nasa tickets ninyo.

ACIRC

ANG

BANGS GARCIA

BUS LINK BUSES AND DELTA BUSES

CARLA

CARLA ABELLANA

CARLO

CUBAO STATION

KARINA

LAMANG

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with