^

Pang Movies

Yaya Dub binabansagang Ms. Bean

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang hindi makapaniwala ang mga dating kaklase ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa St. Paul College noon sa Bocaue na magkakaroon ito ng show sa Philippine Arena sa Oct. 24. Sa St. Paul nag-high school si Maine kaya hindi niya pwedeng makalimutan ang naturang lugar.

Noong maimbitahan siya na parangalan sa Malolos, Bulacan, kaagad naman siyang nagpaunlak, naroon nga si Vice Governor Daniel Fernando at very proud sa swerteng tinatamasa ni Maine.

Buong taga-Bulacan ay nagbubunyi sa pagsalubong sa kanilang bagong kababayan na si Derelala, ang babaeng Mr. Bean, tawag kay Yaya Dub ng ibang tagahanga.

Maganda ang layunin ng palabas sa The Philippine Arena na Tamang Panahon.

Lahat ng kanilang kikitain ay ido-donate sa pagpapagawa ng mga AlDub Library para sa ilang school sa Bulacan at sa iba pang parte ng ‘Pinas.

Maging si Maine ay parang hindi makapaniwala sa kanyang swerteng tinatamasa ngayon. Pangarap talaga niyang pasukin ang showbiz, kaya kahit nag-OJT na sa New York, umuwi pa rin ng Pilipinas para sa kanyang ambisyon.

Nag-audition si Maine sa ABS-CBN noon pero hindi nakapasa sa panlasa nila. Subalit sa pagiging dubmash queen, dobleng swerte ang inabot niya.

Nakuha siya sa Eat Bulaga, at naging hagdan na papuntang tagumpay. Nakakalula ang swerte ni Maine. May malalaki kaagad na produktong kumuha sa kanila ni Alden Richards na hinila niya pataas.

Malamang mas pumutok ang pangalan ng dalawa sa paglabas sa pelikulang My Pabebe Love na kasali sa Metro Manila Film Festival 2015.

Hindi katulad noon, pwede pang pumas­yal si Maine at Alden, ngayon hindi na kahit saan dahil palaging pinagkakaguluhan. At hindi naman maramot ang dalawa, kumpara sa ibang young stars na nakakatikim din ng swerte. Iba sa kanila, malimit nag-iinarte at may kung anu-anong attitude sa shooting. Dahil sa tambalang AlDub, ayun nabawasan ang kasikatan nila.

Boyet tinarayan ni Lovely

Parang hindi raw makapaniwala si Lovely Rivero sa pagkakaroon ng teleserye kung saan tatarayan niya ang paboritong actor si Christoper de Leon.

Sa Beautiful Strangers, tinarayan ni Lovely si Boyet dahil sa pagkahuma­ling pa rin sa anak niyang si Lovi Poe gayung girlfriend ito ng anak niyang si Benjamin Alvez. Bagay kay Lovely ang mataray na role.

Solenn at Iya hindi tumataba kahit todo-lamon

Mabuti hindi tumataba si Solenn Heussaff sa dalas niyang tumikim ng masasarap na putahe sa mga napupuntahang lugar para sa kanyang show.

Maging ang ka-partner nga niyang si Iya Villania, marunong din magdala para hindi tumaba. Athletic type pareho ang dalawa at boxing ang forte.

Minsan nga si Iya ay umaakyat ng bundok, bagay na ikinababahala ng asawang si Drew Arellano, pero sanay na sanay naman na si Iya.

Paboritong pagkain nga pala ni Solenn ay sisig, si Maine naman ay isaw, at pancit canton na my ketchup naman si Alden. Chicharon ang hilig ni Wally Bayola aka Lola Nidora. Paksiw na bangus naman si Ryzza Mae Dizon at bicol express naman kay Superstar Nora Aunor.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BENJAMIN ALVEZ

BOYET

BULACAN

HINDI

IYA

MAINE

PHILIPPINE ARENA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with