Gerald wala nang paki kina Kim at Maja
Nagbibiro pa si Gerald Anderson noong press conference nila ng Everyday I Love You, nang may magtanong sa kanya kung manonood ba siya ng concert ng kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador kung sakali.
Ang sagot niya ay kung kukumbidahin siya. Noong sabihin sa kanya ang comment noon na kailangan siyang bumili ng tickets, natatawang tanong muna niya, “wala bang libre.”
Pero pagkatapos ay sinabi rin niyang kung kukumbidahin siyang manood, ok lang sa kanya na bumili ng tickets at ibibili rin niya ng tickets ang kanyang mga kaibigan para may kasama naman siya sa panonood.
Marami na ang naging girlfriends ni Gerald, pero minsan man hindi mo siya nakitang bitter sa pagtatapos ng isang relasyon. Usually ang mga naging girlfriend niya ang bitter.
Pero ganoon naman talaga ang isang relasyon eh. Magkakaligawan, at kung ok na at saka nagkakasama na sa mga lakad, doon ninyo makikilala ang isa’t isa.
Siguro nga kung minsan may mga lumalabas na mga bagay na hindi napagkasunduan. Susubukang mag-compromise. Kung hindi talaga puwede, aba mabuti pa nga ang mag-split kaysa naman sa ipilit ang isang relasyon kung sa simula pa lang alam na ninyong mayroon kayong hindi mapagkakasunduan.
At least si Gerald nanliligaw lang. Mayroon pang mga naghahamon ng live in, at kung hindi magkasundo hiwalay din. Sa ganoong sitwasyon, talo ang babae. Imposible kasi sa isang live in situation, o iyong tinatawag nilang “trial marriage” na walang mangyari. Kung mayroong mangyari, papaano na ang babae?
Kaya kung kami ang tatanungin tama ang ginagawa ni Gerald eh. Sa panahon pa lang ng ligawan, o courtship, kung mayroong hindi mapagkakasunduan mas mabuti pang mag-split na agad.
Mga naubusan naglupasay... Lolo pumila ng 6 na oras makabili lang ng ticket ng Tamang Panahon
Ito ang masasabi mong talagang world record. Sa loob lamang ng limang oras ay naubos na ang lahat ng mga VIP tickets sa Tamang Panahon show na gaganapin sa Philippine Arena.
Sa loob naman ng tatlong araw, naubos na ang lahat ng tickets kabilang na ang bleachers. Ibig sabihin mapupuno nila ang 55 libong seats sa Arena. Mas malaki ‘di hamak iyan kaysa sa alin mang crowd o show na ginanap sa sinasabing pinakamalaking arena sa Pilipinas. Kung iisipin, iyan ang dapat malagay sa Guinness Book of World Records.
Hindi hinakot ang mga tao, sila mismo ang makikita mong matiyagang pumipila, kung minsan ay inaabot daw ng ilang oras sa pila bago makabili ng tickets.
Nakakaawa ang mga kuwento nila tungkol sa mga AlDub fans na matapos na pumila nang napakatagal, ang inabot ay isa ng sign na nagsasabing “sold out”, ibig sabihin wala na silang mabibili pang tickets.
- Latest