Mga kinauukulan aaksiyon maliligayang araw nang mga kumikita sa AlDub, bilang na
MANILA, Philippines – Gagawa na raw ng aksyon ang TAPE, Inc. kaugnay sa naglalabasang AlDub merchandise na naglipana ngayon dahil sa kasikatan ng loveteam. Lalo na’t malapit na ang Pasko, siguradong maglilipana ang AlDub goods especially ang T-shirts, huh!
Ayon sa aming source, okey lang ‘yung maliliit na merchandise gaya ng pins at iba pa. Pero ibang usapan na kapag dolls, stuffed toys, at iba pa na may tatak ng AlDub. Negosyo na talaga ang hangad ng iba.
Pero naku, kung aaksyunan ang gumagawa ng AlDub merchandise nang walang permiso, tiyak na maglilipana rin ang scalpers sa Philippine Arena ngayong Sabado lalo na’t nagkakahirapang kumuha ng VIP tickets, huh!
Broadway produ na si Shea Arender nagkainteres sa Pilipinas dahil kina Arnel at Yaya Dub
Naengganyo ang Broadway at producer singer na si Shea Arender na bisitahin ang Manila dahil na rin sa mga kaibigang Pinoy sa Las Vegas kung saan siya naka-base ngayon. May balak din kasing kumuha sa kanya para sa isang Valentine show next year kaya nandito siya sa bansa ngayon.
Humarap si Shea sa press nang dumating. Komo nga ilang buwan na lang ay Pasko na, gusto niyang ma-experience ang advance holiday cheers sa bansa.
“My exposure to Filipino culture has been in my home office in Las Vegas. We have Filipino restaurants and Filipino friends. When I started eating Filipino foods, ‘Wow! It’s much better than our food in the United States! Ha! Ha! Ha! Very original. That was very exciting for me!” pahayag ni Shea.
Hindi man siya pamilyar kina Martin Nievera at Lani Misalucha na sinubukan ang career sa Vegas, in-admire naman niya ang Filipino bands na kanyang napanood doon.
“But I personally admire Arnel Pineda. I’m a big Journey fan. When I heard his story few years ago, that’s what my head turned to be more interested about the Philippines. I researched about that and I was so inspired about his story and opened my eyes to explore about the Philippines as well,” sabi pa niya.
Sa kanyang pagri-research sa YouTube, natagpuan niya ang videos ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
“I was constantly laughing so much watching these clips. I don’t understand everything but her facial expressions alone that was very intriguing to me. It’s amazing how her fame and everything has grown,” saad ni Shea.
Kaya naman gusto niyang ma-meet nang personal si Maine dahil sa napanood niyang bahagi ng Kalyeserye.
Si Shea ang executive producer ng The Wondeful Wizard of Song sa Broadway at ang Christmas show niyang Prince of Christmas ang isa sa Top 5 Holiday Shows na tinatangklik sa Broadway taun-taon.
Bukod kina Arnel at Maine, gusto ring ma-meet ni Shea sina KC Concepcion at MJ Lastimosa.
Sen. Grace nagpapakita ng katapangan
Mabuti na lang at matapang si Senador Grace Poe sa pagharap ng mga disqualification cases na isinampa laban sa kanya. Pangatlong disqualification case ang isinampa ng dating senador na si Kit Tatad nitong nakaraang linggo.
“Mabuti at nailabas na nila. Inaasahan na namin ito. Kami naman ay handa walang itinatago at handang harapin ang mga paratang nila,” pahayag ni Sen. Poe sa panibagong hagupit sa kanya.
Siyempre, malakas kasi bilang presidential aspirant ang senadora. Umasa siyang mas marami pang darating na banat kapag nagsimula na ang kampanya.
Naku, kung ang truth ang nasa panig ni Sen. Grace, walang dahilan upang siya ay matakot, huh!
- Latest