Ang bad naman… AlDub fans tinawag na aldog ng haters, wini-wish din na may magpasabog sa Philippine Arena
Sumagot na ang Eat Bulaga sa mga tanong ng AlDub Nation tungkol sa Tamang Panahon special ng Eat Bulaga sa Philippine Arena. Isa rito ay ang tanong ng Team Abroad o ang mga AlDub na nasa abroad na gustong tumulong pa rin kahit wala sila rito. Ayon kay Tito Sen (Sotto), inihahanda na ng BDO (Banco De Oro) ang account kung saan sila pwedeng mag-deposit ng kanilang kontribusyon. Huwag daw sila basta magbibigay ng donasyon kung kani-kanino.
May mga nagtatanong din kung may pay-per-view raw ba ang show (laban ni Manny Pacquiao lang ang peg ninyo?) para mapanood nang live ang show ng mga nasa abroad.
May mga nagtatanong din tungkol sa transportation papunta sa Philippine Arena kaya hintayin lamang ninyo ang announcement kung paano.
Balitang may mga taong hindi makuntento at naninira sa magandang move ng AlDub Library na ipatatayo sa iba’t ibang lugar ng bansa. Nang malaman daw nilang may bayad ang ticket ay binibintangan silang pinagkakakuwartahan lang daw sila ng GMA at tiyak na hindi nila mapupuno ang venue dahil may bayad ito.
May nag-post pa na sana raw ay may magpasabog ng bomba sa Philippine Arena para mamatay ang lahat ng mga Aldogs (tawag ng haters sa AlDub) at mahinto na ang mga kababawang pinaggagagawa nila sa show.
Sabi ni Joey de Leon, huwag na lamang daw pansinin iyon ng AlDub Nation dahil hindi mangyayri ang mga bagay na iyon. At saksi nga ang sales ng tickets ng Ticketworld na as of yesterday, tickets worth P150 na lamang ang natitira.
Elmo aprub kahit dala-dalawa ang bagong lalaki ni Janine!
Ang ganda ni Janine Gutierrez nang minsang makita at makausap namin siya sa GMA. Busy siya ngayon sa taping ng new daily morning soap niya na Dangwa na produced ng GMA News & Public Affairs. Nabiro namin siya kung hindi ba magseselos ang boyfriend niyang si Elmo Magalona dahil dalawa ang leading men niya sa soap, sina Mark Herras at Aljur Abrenica. No problem naman daw sa kanila ni Elmo kung hindi sila ang pinagtambal ngayon, very supportive raw ang boyfriend niya at binibigyan pa siya ng tips.
Naiiba rin daw ng story ng Dangwa dahil kung sila man nina Aljur at Mark ang mga bida, every week naman ay may story sila ng mga mag-sweetheart na ipi-present na ididirek ni Adolph Alix, Jr.
Gloc-9 parang Francis M. na ang level, concert tinao kahit may bagyo
Nag-celebrate ng kanyang 40th birthday at 18th anniversary in showbiz si Gloc-9 last Saturday, October 17, sa kanyang first solo concert na Ang Kuwento Ng Makata, Gloc-9 Live sa Music Museum. Bale salubong na ito sa kanyang birthday which is October 18. Nakakatuwa na kahit malakas ang ulan dahil sa bagyong Lando, halos napuno ang venue ng concert kaya talagang masasabing the Best Pinoy Rap Artist si Gloc-9 after the late Francis Magalona.
Special guests niya noong gabing iyon sina Janno Gibbs, Ebe Dancel ng Sirena fame, Rochelle Pangilinan, Jonalyn Viray na kinanta ang Hari Ng Tondo, Maya and Migz Haleco, PPL’s artists, Chito Miranda of Parokya ni Edgar, at si Rico Blanco.
May two Saturdays pang concert si Gloc-9 sa October 24 at 31. This Saturday at 8 p.m., mga special guests niya ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
- Latest