^

Pang Movies

Mga artistang tatakbo sa halalan, sana magampanan ng tama ang tungkulin

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May mga komento na dahil konti ang kita sa pelikula, dagsa muli ang mga artistang tatakbo sa pulitika.

Paminsan-minsan nalang kasi kung may gumawa ng pelikula. Kaya marahil hinahanap ng ibang taga-showbiz ang ibang pwedeng mapagtuunan ng pansin sa buhay.

Ilan sa mga tatakbo ngayong darating na eleksyon ay sina Imelda Papin bilang Kongresista sa Camarines Sur, Andrea Del Rosario ng Viva Hot Babes bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas, Angelica Jones bilang Vice Governor sa Laguna, Vandolph tatakbo naman sa Parañaque bilang Konsehal, Alma Moreno at Edu Manzano naman ang tatakbo sa pagka-Senador, Ronnie Rickets tatakbo bilang Kongresista sa Makati, Rico J. Puno bilang Konsehal sa Makati (akala ko ba may sakit siya?) Jeremy Marquez bilang Vice Mayor sa Parañaque at marami pang iba. Sana magampanan nila ang tungkulin sa bayan at ‘wag matulad sa mga pulitikong nadawit sa PDAF. Sa inyong lahat, good luck!

Gerald, Derrick at iba pang artista, humanga sa Mayor ng Baliuag

Isang araw ay maswerte naming nakapanayam ang butihing first lady Mayor ng Baliuag, Bulacan na si Mayor Dra. Carol Dellosa, bumilib kami sa mga nabalitaan na mga projects na kanyang pinagawa sa aming bayan sa Baliuag napaayos niya ang mga sirang kalsada at maging ang lumang palengke ng Baliuag ay nagawa niyang isang malinis na pamilihan.

Nagbibigay din siya ng financial na tulong sa mga kababayan at napaganda ang bagong pinatayong grandstand sa may Poblacion.

Ilan sa mga artistang naimbitahan noong fiesta ng Baliuag na sina Jestoni Alarcon, Gerald Anderson, Diane Medina, Ken Chan at Derrik Monesterio ay humanga sa magandang PR ng butihing Mayor.

Mga mananahi nina Jose, Wally at Paolo, dapat palakpakan!

Gusto naming palakpakan ang mga mananahi ng makalumang damit na isinusuot everyday ng tatlong Lola ng kalyeserye na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Nasa tamang style ang mga tinatahing damit na isinusuot ng tatlo na gawa nina Tita Luding, Ate Puring at iba pang mananahi ng dress shop ng aktres na si Regine Tolentino.

Busy sila palagi dahil everyday nagpapalit ng damit ang mga komedyanteng pumalit sa trono nina Dolphy at Panchito na sina Wally at Jose. Pasado palagi sa panlasa nina Tita Malou Pagal at Allan K. ang mga kasuotang ginagamit ng tatlo sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Alden mapagbigay sa selfie at autograph

Nakakahanga si Alden Richards dahil marunong magpahalaga sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. Lahat pinapakisamahan niya hindi tulad ng ibang artista na maramot magpalitrato o kaya’y pumirma ng autograph at hinaharangan pa ng mga bayarang handler.

Si Alden ang pinakasikat na artista sa kasalukuyan na hindi naapektuhan ng pagsikat na naging dahilan ng pagkalunod sa isang basong tubig na yumabang. Palagi niya kasing naaalala ang mga payo ng kanyang yumaong ina na siyang nangarap para maging isa syang artista.

Maria Labo mananakmal na

Na-interview namin sa kanyang condo sa SMDC ang bagong artista na bida sa pelikulang Maria Labo na si Kate Brios binigyan siya ng break ng K.i.B Production sa direksyon ni Roy Vinzon.

Tumatakbo ang istorya ng Maria Labo sa isang da­ting OFW na nadestino sa Dubai at sinalinan ng pagka-aswang ng kasama niyang DH doon.

Nag-shooting sina Kate sa Dubai ng isang linggo para maging makatotohanan ang naturang movie na ipalalabas sa Nov. 11 sa mga sinehan ng SM. Katambal ni Kate si Jestoni Alarcon. Very gentleman daw at pogi pero ang crush niya talaga ay si Derek Ramsay.

Magaling si Kate kesehodang first timer, maganda siya at isang hotel manager at singer din from Bacolod City.

Goodluck, Kate sa movie mo.                   

ALDEN RICHARDS

ALLAN K

ANG

BALIUAG

JESTONI ALARCON

KATE

MARIA LABO

MGA

NBSP

STRONG

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with