^

Pang Movies

Sarah pahinga muna sa pulitika!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Walang ieendorsong presidential candidate si Sarah Geronimo for 2016 elections. Ito ang ini-reveal mismo ni Popstar Princess sa recent interview with her na lumabas sa broadsheet.

Kaya wala rin daw siyang sasamahang anumang presidential campaign or sortie du­ring the campaign period.

“I want to take a break from it,” say pa ni Sarah.

Idinagdag din ni Popstar na before getting involved in politics again, gusto muna niyang madagdagan ang kaalaman niya tungkol dito.

Nagbigay din ng payo si Sarah sa mga artistang gustong mag-endorso or mangampanya ng politiko ngayong 2016 elections.

“Make sure to know as much as you can about the candidate before agreeing to help promote his or her cause. Never say ‘yes’ to doing it just for the money. It’s important that you also believe in the person’s advocacies. After all, he or she will help shape the country’s future,” Sarah was quoted as saying.

Matatandaang dating inendorso at ikinampanya ni Sarah ang tandem ni Manny Villar and Loren Legarda noong 2010.

Abala ngayon si Sarah  sa preparasyon ng kanyang From The Top concert na magaganap sa D­ecember 4 sa Araneta Coliseum.

Walang Forever nina Jericho-Jennylyn naka-1M agad ng views

Ini-release na ng Quantum Films sa YouTube ang first teaser ng Walang Forever na entry nila for Metro Manila Film Festival this December starring Jennylyn Mercado and Jericho Rosales.

Kare-release pa lang, ang dami na agad nag-share at nag-like ng video and within one day, naka-one million plus na itong views sa Facebook.

Nakakatuwa dahil kahit sandalil pa lang ipinakita si Echo, kita na agad ang chemistry nila ni Jen. After Sam-Jen in The PreNup, Jer-Jen naman ang tawag sa tandem ng bida ng Walang Forever.

Sa Walang Forever ay gagampanan ni Jen ang role ni Mia, isang sikat na writer ng romantic-comedy films pero siya mismo ay nahihirapang paniwalaan na may forever sa pag-ibig because of her own personal experience.

Sa mga positive comments ng netizens sa teaser, mukhang panalo na naman ang pelikula tulad ng dalawang rom-com movies ni Jen na English Only Please at ang still showing na The PreNup.

Ngayon pa lang ay marami na ang nagko-comment na panonoorin nila ang movie.

Asawa ni Aiza hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ng ama

Kaaliw ang post ni Liza Diño tungkol sa pagtakbo ng kanyang amang si Martin Diño sa pagka-Presidente ngayong 2016 elections.

Post ng asawa ni Aiza Seguerra sa kanyang Facebook account, “So, my father decided to run for president. #still­inshock”.

Ang tatay ni Liza ay dating chairman ng VACC (Volunteers Against Crime and Corruption). Nag-file siya ng certificate of candidacy sa COMELEC last Oct. 16, Friday under PDP-Laban.

In fairness, kahit na-shock si Liza, marami namang nagpahayag ng suporta para sa kanyang ama sa comments section ng kanyang post.

May nagsabing matagal na raw sa public service ang ama ni Liza at deserving ito na magkaroon ng chance.

Si Mr. Dino ay isa sa 130 na nag-file ng COC para sa pagka-Pangulo ng ating bansa.

ACIRC

AFTER SAM-JEN

AIZA SEGUERRA

ANG

ARANETA COLISEUM

ATILDE

ENGLISH ONLY PLEASE

FACEBOOK

FROM THE TOP

JENNYLYN MERCADO AND JERICHO ROSALES

WALANG FOREVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with