^

Pang Movies

Pero katabi sa pagtulog Sunshine sa sulat na lang nakakausap ang mga anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Masarap matulog, at masarap gumising dahil kasama ko ang mga anak ko,” sabi ni Sunshine Cruz sa kanyang social media account.

Talaga namang sinasabi iyan ni Sunshine, at madalas nga naka-post pa sa kanya pati na ang mga merit certificate sa school ng kanyang mga anak, na ipinagmamalaki niyang matatalinong lahat.

Minsan maging ang mga personal letters ng mga iyon sa kanya, na sinasabi niyang “which makes me happy” ay inilalabas din niya.

Inaamin naman ni Sunshine na mahirap ang kanyang sitwasyon, iyong kailangan niyang ita­guyod ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Sinasabi nga niyang maliban sa house rental at bayad sa tutor ng kanyang mga anak, wala siyang nakukuhang ibang suporta kaya kailangan siyang magtrabaho talaga para makaraos sila ng kanyang mga anak sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Ayaw din naman daw kasi niyang may mga kailangan ang kanyang mga anak na hindi niya maibibigay, although at times sinasabi ng mga iyon na okey lang naman sa kanila kung hindi kaya.

Sinuswerte naman si Sunshine, kasi nga hindi naman natitigil ang dating sa kanya ng trabaho. Sunud-sunod naman ang kanyang assignment simula nang mag-come back siya.

May mga iniaalok pa nga sa kanyang pelikula, pero sabi nga niya sa TV projects nga lang ubos na ang time niya. Ayaw din naman kasi niyang mawalan siya ng panahon para sa kanyang mga anak.

Kung minsan, sabi nga ni Sunshine, iyon ang masakit sa kanya. Kasi pagdating niya sa bahay ay tulog na ang mga anak niya.

Minsan nakapasok na ang mga iyon sa school kung magising siya, kasi nga minsan naman madaling araw na natatapos ang kanyang mga tapings. Kaya ang kasiyahan na nga lang daw niya ay ang iniiwang letters ng kanyang mga anak, at kung wala naman siyang taping, nakakabawi siya sa mga bata.

Sabi nga ni Sunshine, marami siyang naging problema. Marami siyang naging sama ng loob. Pero dahil sa mga anak niya, hindi na niya nadarama ang lahat ng iyon.

Mga bakas ni Alden, pinagkaguluhan sa Snow World

“Saan dito kinunan iyong music video ni Alden (Ri­chards),” ganyan daw ang tanong ng marami sa mga teenagers na bumisita sa Snow World doon sa Star City.

Doon nga kasi kinunan ang music video ni Alden, at totoong snow ang nakikita sa background ng music video.

Okey lang naman doon sa kanilang staff. Itinuturo nila kung saang lugar kinunan ang video, at marami raw sa mga iyon, na siguro nga ay mga fans ni Alden, gusto ring magpa-picture taking doon sa mismong lugar kung saan ginawa ang music video. Kaya nga nag-suggest pa minsan si Lhar Santiago ng GMA News na “lagyan ninyo ng marker kung saan iyon.”

May mga fans din ngang nagsasabi ng ganoon.

Maglagay daw ng signage kung saan kinunan ang music video ni Alden. Kasi napakalaki nga naman ng Snow World. Mayroon pa iyong second floor kung saan matatagpuan mo naman ang isang coffee shop, na ang mesa at upuan ay talagang gawa rin sa yelo.

Napakalaki rin ng kanilang man made ice slide, na 75 meters ang haba. Hindi sinubukan ni Alden, pero marami siyang mga kasama noong gawin ang music video na nagpadulas sa ice slide. Sayang nga eh, hindi nakunan lahat ng attractions doon sa loob ng Snow World. Kasi nga music video lang naman iyon. Pero ganoon pa man, halata mo ang tindi ng popularidad talaga ni Alden.

Hindi pa naman yata officially naila-launch iyong music video ni Alden. Ang dinig namin ay sa Sunday pa lang ang launching noon.

ACIRC

ALIGN

ANAK

ANG

KANYANG

LEFT

MGA

NAMAN

NGA

QUOT

SNOW WORLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with