Naduwag sa AlDub at JaDine Kris dinamay sina Jodi at Ian Veneracion sa MMFF, Herbert burado na talaga
Ang latest, tuloy na naman si Kris Aquino sa kanyang Metro Manila Film Festival movie. Nagkausap at nagkaayos na sila ng Star Cinema base na rin sa huling post niya sa kanyang Instagram.
Balik na siya sa movie, pero laglag na talaga si Quezon City Mayor Herbert Bautista at ayon sa aming reliable source, si Derek Ramsay na ang kanyang magiging leading man.
Tsika pa sa amin, kasama pa rin sina Kim Chiu at Xian Lim pero dinagdagan pa nila ang casting at isinama na si Jodi Santamaria at Ian Veneracion.
Just last week, ang tsika ay sina Jodi at Richard Yap ang papalit kina Kris at Bistek. Pero this week, naiba na naman dahil nga sa pagbabalik ni Tetay.
Ang napagkasunduan daw sa meeting, retained si Jodi pero si Ian na nga ang ipapareha sa kanya dahil sa ito ang kapareha niya ngayon sa Pangako Sa ‘Yo at napakarami ring kinikilig ngayon sa kanilang tambalan.
In fairness, ang ganda ng casting at kung baga, pakyawan na.
May Kris-Derek na, may KimXi pa at may Jodi-Ian pa. Si direk Antoinette Jadaone pa rin ang direktor nito.
Ang tsikang nakarating pa sa amin, mukhang natakot daw si Kris sa AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) na kasama sa pelikula nina Vic Sotto at AiAi delas Alas, gayundin sa JaDine loveteam (James Reid and Nadine Lustre) na makakatapat ng kanilang pelikula.
Well, malay natin, baka next week ay iba na naman ang development. Ito na yata ang pelikulang nakita naming na may pinakamaraming changes ng casting.
Brian itinanggi ang tsismis sa kanila ng ama
Ayon kay Brian Poe, wala raw katotohanan ang intriga na pati sila ng amang si Niel Llamanzares ay hindi maiboboto si Grace Poe sa 2016 elections bilang Presidente dahil sa pagiging dual citizens nilang mag-ama.
Sabi ni Brian, 2010 pa siya umpisang bumoto sa bansa at isa siya sa mahigit 20 milyong bumoto sa ina ng taong 2013.
Nauna nang umangal si Grace sa mga nasabing intriga na ibinabato sa kaniyang mag-ama.
Kwento ni Grace sa isang radio interview, ang magulang ng kanyang asawa ay parehong Pilipinong doktor na noo’y nag-aaral bilang mga iskolar sa Amerika kaya napadpad sa US.
“Pero dahil Pilipino ang kanyang mga magulang, Pilipino siya. Sabi nga nila, papaano ka naman iboboto ng asawa mo eh hindi iyan Pilipino? Hindi po totoo yun. 1986 pa lang bumoto na ang aking asawa dito, 2010, 2013 at sana sa 2016,” paliwanang ni Grace.
‘Hindi ko naman madadala sa hukay’ Manong Chavit namimili ng mga aambunan ng yaman
“Ang balak ko sa buhay ko, ipamimigay ko lahat ang naipon kong pera dahil pag namatay ako, hindi ko naman madadala, eh.” Ito ang pahayag ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa entertainment press na bumisita sa kanya sa Vigan, Ilocos Sur kamakailan.
‘Yung mga anak ko, bibigyan ko ng kapital, pero hindi ko ibibigay lahat, ‘yung sapat lang na kapital,” say pa niya.
Kaya nga nag-produce siya ng TV show, ang Happy Life na eere sa GMA-7 at dito niya balak ibuhos ang mga pera niya dahil mamimigay daw sila ng tulong sa mga tao.
“Lahat, ipamimigay ko. Ang gagawin namin sa Happy Life, mamimigay ng tulong, mga bahay, mga eskwelahan, happy life,” he said.
Pero hindi raw ito ‘yung tipong basta ka na lang bibigyan dahil ayaw naman daw niya ng dole-out system na basta na lang ipamimigay.
“Like for example, pupunta kami sa mga lalawigan, magtatanong kami sa DSWD, ‘yung mga civil society, ‘mga organisasyon, kung sino ang pinakamasipag, ‘yun ang tulungan naming.
“Gusto ko kasi, reward system, ayoko ‘yung dole-out,” he said.Nakapag-taping na sila ng mga tatlong episodes at malapit na itong umere sa GMA-7.
“We have to make 12 episodes bago ilabas. Ang balak namin, sa November (ang airing). Every Sunday muna, kung kinakailangan, everyday na,” he said.
Wala na kasing balak tumakbo pa sa anumang posisyon si Manong Chavit sa politika kaya ito na lang daw ang aasikasuhin niya – ang mamigay ng tulong.
When asked kung hindi ba siya mauubusan ng pera sa gagawin niya?
“Eh lahat nga, gusto kong ipamigay, eh,” sambit niya.
Bongga ‘di ba naman?
- Latest