^

Pang Movies

Grace natulungan ng pagiging ampon... Mga senior citizen na fans ni FPJ dumagsa sa COMELEC!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi binigo ng fans ni Fernando Poe, Jr. ang kanyang anak na si Senator Grace Poe.

Dumagsa kahapon sa COMELEC sa Intramuros ang fans ni Kuya Ron para suportahan ang filing ni Mama Grace ng certificate of candidacy.

Touched na touched si Mama Grace sa kabutihan na ipinakita ng mga senior citizen fans ng tatay niya dahil naglaan sila ng oras para sa kanya.

Nagkulay asul at puti ang paligid ng COMELEC dahil ‘yon ang kulay ng tandem nina Mama Grace at Senator Chiz Escudero.

Pero takaw-pansin ang mga kababaihan na naka­suot ng purple T-shirt na may tatak na “Ampunin si Grace Poe.” O ‘di ba, sino ang mag-aakala na magi­ging pabor nang todo kay Mama Grace ang pagiging foundling niya?

Magkasabay na nag-file ng CoC sina Mama Grace at Papa Chiz. Kasama ni Mama Grace sa COMELEC ang nanay niya na si Susan Roces at ang misis na si Heart Evangelista ang ka-join ni Papa Chiz.

Kahit nasa kulungan Jinggoy nakatutok sa kandidatura ng anak

Natuloy ang paghahain kahapon ni Janella Ejercito ng kanyang certificate of candidacy, kahit wala sa tabi niya ang tatay na si Senator Jinggoy Estrada.

Tatakbo na Vice Mayor ng San Juan City si Janella at kasama niya kahapon sa submission ng CoC sa COMELEC sa Old City Hall ng San Juan City ang kanyang running mate, si incumbent Mayor Guia Gomez.

Parang piyesta ang ambience nang magpunta ang dalawa sa COMELEC dahil sinalubong sila ng kanilang mga libu-libong supporters.

Naka-monitor si Papa Jinggoy mula sa PNP Cus­todial Center tungkol sa filing ng CoC ng kanyang panganay na anak. Plano sana ni Papa Jinggoy na samahan si Janella pero nagbago ang kanyang isip. Binawi niya ang petition sa Sandiganbayan na payagan siya na lumabas mula sa detention facility ng Camp Crame.

Sakaling hindi manalo sa pagka-senador Pacman may lusot na makipagbakbakan uli sa ring

Expected ang pagdating ngayon ni Congressman Manny Pacquiao sa COMELEC sa Maynila para magsumite ng kanyang certificate of candidacy.

Wala nang makakaawat pa kay Papa Manny sa pagtakbo nito bilang senador sa eleksyon sa 2016.

Nagdeklara na ang kampo ni Papa Manny na hihinto na siya sa paglalaro ng boxing pagkatapos ng huling laban niya sa 2016.

Itututok na lamang ni Papa Manny ang atensyon niya sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino pero depende pa rin ito sa magiging resulta ng kanyang kandidatura sa senado. Paano kapag hindi siya nag-win? May dahilan pa rin si Papa Manny para maglaro ng boxing.

Tates nakuha ng simpatiya nang hindi patulan si Kris

Kakandidato rin pala si Tates Gana bilang konsehal ng isang distrito ng Quezon City.

The who si Tates? Siya ang ina ng mga anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nakuha ni Mama Tates ang respeto ng publiko dahil hindi siya nag-ingay at nagsalita nang mag-emote noon si Kris Aquino tungkol sa aborted love affair nila ni Papa Herbert.

May mga nagsabi sa akin na malaki ang tsansa ni Mama Tates na mag-win dahil kahit wala siya noon sa posisyon, marami sa mga residente ng Quezon City na nangailangan ng tulong ang lumapit sa kanya at hindi nadismaya.

Maraming mga kaibigan sa showbiz si Mama Tates na na­ngako na susuportahan ang kandidatura niya.

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

MAMA

MAMA GRACE

MAMA TATES

NIYA

PAPA MANNY

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with