^

Pang Movies

Kalaswaan sa live concerts sakop na rin ng MTRCB?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pakikinggan at pag-uusapan sa MTRCB Uncut ngayong Linggo, ang mga boses sa likod ng ilang animated characters at Tagalized shows. Samahan sina Bobby Andrews at Jackie Aquino na silipin at alamin ang makulay na industriya ng voice acting sa Pilipinas.

Dubbing o voice acting may sound easy, pero madali nga ba itong gawin? Sasagutin ito ng ilan sa successful voice-over experts na sina Jo-Anne Chua at Lucy Quinto sa isang makabuluhang Prangkahan kasama ang MTRCB Board Member na si Manny Buising.

Hindi lang animated ang kanyang personalidad, siya rin ang boses sa likod ng ilang cartoon characters at Asianovela programs. Kilalanin ang Klik PBB All In housemate na si Fourth Salomon sa isang masayang kwentuhan kasama si Gladys Reyes.

Samantala, sakop pa nga ba ng jurisdiction ng MTRCB ang live concerts? May paraan ba ang ahensiya upang ma-regulate ang content nito? Alamin ang sagot mula kay MTRCB Chairperson Toto Villareal sa  I-Share Mo Kay Chair.

Mapapanood ang MTRCB Uncut tuwing Linggo, 7:00PM sa Net 25.

Buhay ng Bituing Walang Ningning star Monica Sacay, bibigyang buhay ni Sarah

Mapapanood sa unang pagkakataon ang aktres na si Sarah Lahbati sa programang  MMK ngayong Sabado sa kanyang natatanging pagganap sa buhay ng Bituing Walang Ningning: The Musical star na si Monica Sacay.

Unang nakilala bilang  Star Power grand finalist, ganap ng bituin noon si Monica nang biglang nawala ang kislap niya sa mundo ng showbiz.

Bata pa lang ay mahilig ng kumanta si Monica. Kasama ang kanyang inang si Myrna (Aiko Melendez), sabay silang kumakanta sa mga burol, birthday parties at iba pa.

Walong taong gulang lamang siya noon nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa cervical cancer kaya naman napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tita Ethel (Francine Prieto). Habang nagdadalaga ay tumulong siya na tustusan ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalako ng puto at ice candy. Kinakantahan niya pa noon ang mga customer para lang makabenta.

Taong 2010 nang makumbinse siya ng kanyang tita na sumali sa talent search ng ABS-CBN na Star Power kung saan tinanghal siyang 2nd runner up. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang showbiz at agad ding lumamlam ang career nito. Magdedesisyon siyang bumalik sa dating buhay hanggang isang araw, muling kakatok ang oportunidad na magpapabalik ng ningning sa kanyang pagiging bituin.

Tampok din sa episode sina Yesha Camille, Simon Ibarra, Mara Lopez, Jacob Dionisio, Kyle Secades, Katya Santos, Kyline Alcantara, Margo Midwinter, Mikee Agustin, Chienna Filomeno, at Jong Cuenco. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre, at panulat ni Ruel Montanez.

AIKO MELENDEZ

ALL IN

ANG

BITUING WALANG NINGNING

BOARD MEMBER

BOBBY ANDREWS

CHAIRPERSON TOTO VILLAREAL

CHIENNA FILOMENO

KANYANG

MONICA SACAY

STAR POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with