^

Pang Movies

Ayaw maniwala sa swerte Maine pinag-aaralan pa rin ng kalaban kung paano sumikat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang dating sa amin ng kuwento ay parang isang inside story, pinag-aaralan na nga raw nang husto ngayon kung paanong sumikat nang ganyan iyong AlDub, lalo na nga ang baguhang si Maine Mendoza. Ini-imbestigahan nila ngayon kung saan-saan pa siya lumabas noong araw maliban sa kanyang exposure sa Internet sa pagda-dubsmash. Hindi rin nila maintindihan kung bakit nakita na nila ang mga dubsmash noon ni Maine, hindi nila nakita na may potentials pa pala siyang iba.

Noong sumikat na si Maine, sinubukan din ng kalabang show na kumuha ng isa pang sa tingin nila ay napansin din sa mga social media at siya naman nilang inilagay sa kanilang show, pero inaamin na rin nila siguro, “they failed miserably” at nakapagbigay pa iyon ng hindi magandang image sa kanilang show, napagbintangan pa sila nang hindi maganda ng Gabriela, at ipinatawag na naman ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

May nagpadala pa nga sa amin ng video ng show, dahil inaamin naming hindi namin napapanood iyon nang matagal nang panahon, kung saan ang kanilang mga hosts ay hindi halos makapagsalita, nang hindi sinasadyang ang kanilang guest ay magpabebe wave, na parang signature na ng AlDub na nagpapahirap sa kanilang ratings talaga. Eh hindi mo naman masisisi ang guest, dahil talagang sobra naman ang popularidad ng AlDub at lahat halos ng tao nagpa-pabebe wave na rin.

Kung iisipin ninyo, iyang wave na iyan ay matagal nang ginagawa ng mga candidates sa Binibining Pilipinas. Ginagawa rin iyan ng mga bading sa mga gay beauty contest. Ewan nga lang kung bakit nabigyan nila iyan ng bagong kahulugan, tinawag nilang pabebe wave at naging cute sa tingin ng mga tao.

Ewan kung ano ang kalalabasan ng sinasabing pag-aaral nila kung papaanong sumikat iyang AlDub at si Maine. Hindi nga ba masasabing may mga tao talagang malaki ang dalang suwerte at hindi mo naman malalaman ang formula para gawin iyon?

Isa pang napansin namin, masyadong matagal na iyang pamamayani ng AlDub. Mukhang hindi na isang novelty kagaya ng palagay namin. Mukhang talagang sikat na sila, at tatagal pa iyan.

Kung kami ang tatanungin kung ano ang maipanlalaban sa AlDub. Magpalabas na lang sila ng mga lumang pelikulang Pilipino na maganda naman, para hindi sila maiwan sa audience share, or forever settle sa pagiging number 2. After all, dalawa lang naman sila. Hindi na maaagaw sa kanila iyon.

Dapat mag-usap ng personal Mayor Bistek at Kris, ipinangangalandakan ang problema sa social media

Sino nga ba ang nagsasabi ngayon ng totoo Mayor Bistek?

Halatang inis si Kris Aquino nang sabihin niyang wala siyang kinalaman sa muling pagtakbo ng Mayor Bistek bilang mayor nga ng Quezon City. Sinabi pa niya na noong December, si Mayor Bistek pa ang mismong humiling na isali siya sa senate line up ng Liberal Party.

May hindi rin maliwanag na statement si Kris tungkol sa pelikula nilang isasali sana sa festival na hindi na nga natuloy. Inamin pa noon na naging problema iyon ng Star Cinema. Ano ba talaga ang totoo kuya? Iyan ba ay may kinalaman pa rin sa inyong naunsiyaming love affair?

Palagay lang namin, hindi maganda ang ganyang mga pagpapalitan ng mga akusasyon sa isa’t isa. Mas mabuti nga sigurong mapag-usapan nila kung ano ba talaga ang sitwasyon kaysa sa ikinakadkad nila ang kanilang mga problema sa social media. Sila ang naglalabas mismo ng kanilang mga problema sa publiko, at kung masama ang epekto niyan, wala silang masisisi kung hindi ang sarili rin nila.

ANG

BINIBINING PILIPINAS

EWAN

HINDI

KANILANG

KUNG

MAYOR BISTEK

MGA

NANG

NGA

NILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with