Nag-aaral nang magpasuso ng baby, Marian pahinga na sa showbiz
Mukhang tapos na ang mga TV guestings ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ngayong nagbibilang na lamang siya ng araw para sa expected niyang date with the stork next month. Even ang kanyang Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya ay last na muna siyang mapapanood bukas, at 12:00 noon sa GMA 7.
For sure ay nakapag-shopping na si Marian ng mga gamit ng coming baby nilang si Z, nickname of Maria Letizia.
Noong isang araw, through her friend broadcaster Lia Manalac, nag-join sila ng husband niyang si Dingdong Dantes ng lessons mula sa The Parenting Emporium. Breastfeeding kasi ang choice ni Marian para kay Z. Kaya sa The Parenting Emporium, kasama ang iba pang mga mothers-to-be, tinuruan siya ng tips at practical solutions tungkol sa breastfeeding.
Kaya pumayag na ‘patayin’ Ricky Davao sabik makatrabaho ang tatlong icon
Excited pero masaya si Ricky Davao nang makausap namin sa birthday party ng katotong Allan Diones. Ngayong Saturday kasi magsisimula na siyang mag-taping ng Little Mommy, ang bagong primetime show ng GMA 7 na magtatampok kay Kris Bernal in the title role. Pero ang isa pang kinae-excite niya ay ang ididirek niya ang tatlong icon sa Philippine movies, sina superstar Nora Aunor, Eddie Garcia, at Bembol Roco. Hindi naman daw siya nag-aalaala dahil pare-pareho niyang kaibigan at nakatrabaho na ang tatlo. Nakita rin daw niya ang tuwa ng tatlo noong mag-story conference sila.
Gaganap si Kris Bernal na ang isip ay that of a seven-year-old, na mabubuntis at magkakaanak, pero hindi raw ito straight drama na mabigat sa dibdib. Basta iba raw ang story nito na tiyak na mag-iiwan ng aral sa mga manonood. Ang iba pang members ng cast ay sina Sunshine Dizon, Mark Herras, Gladys Reyes, Juancho Trivino, at Hiro Peralta.
Natanong namin si Direk Ricky, paano ang mangyayari sa role niya sa My Faithful Husband na siya nilang papalitan? Nag-spoiler siya na mamamatay daw siya as Arnaldo, the real father of Emman (Dennis Trillo) pero hindi niya sinabi kung sino ang papatay sa kanya. Kailangan daw siyang mawala na sa story dahil magsisimula na nga siyang mag-direk ng Litlle Mommy.
Alden inaabangan pa rin kung magpapakita kahit nasa Japan
Ngayon na ang grand finals ng Dabarkads Bulaga Pa More na paglalaban-laban ng mga Dabarkads na sina Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, Patricia, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.
Nasa Tokyo, Japan ngayon ang kalahati ng AlDub love team na si Alden Richards pero nagtatanong ang AlDub Nation kung makikita raw ba ang Pambansang Bae na magbigay-inspirasyon kay Maine bago ito mag-perform.
Hindi natin alam, malay natin baka gumawa ng paraan ang Eat Bulaga lalo na at napaka-advance ng ating social telecommunications and technology. Pero may isa pang aabangan sa pagpi-perform ni Yaya Dub mamaya, lumitaw kaya ang mahiwagang babae na nakita kahapon sa kalyeserye?
Iyon na kaya si Isidora, ang tunay na ina ni Yaya Dub? Bukas naman ang show nina Alden, AiAi Delas Alas, at Aicelle Santos sa Kapuso Pinoy TV sa Tokyo, Japan.
- Latest