Elizabeth Ramsey, tatlong araw na walang malay bago namatay
MANILA, Philippines - Isang masamang balita ang bumalot sa showbiz kahapon (Thursday, October 8) dahil sa pagkamatay ng tinaguriang Philippine’s Queen of Rock and Roll na si Elizabeth Ramsey sa edad na 83.
Kilalang komedyante at singer si Elizabeth na nagpasikat ng kantang Proud Mary at Waray Waray na paboritong patugtugin sa mga videoke tuwing may kasiyahan.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Jaya ang pamamaalam ng ina sa isang Facebook post:
“Mama Beth is now with our Lord... 83 years has been full. Love and laughter, she has given not just our family but the whole nation. Thank you for your love and prayers and I rejoice because she passes in her sleep. In peace. In God’s loving arms. Bye mama, until we meet again. I love you forever. Thank you Jesus.”
Matatandaang isinugod sa Philippine General Hospital noong August nang siya ay ma-stroke. Ayon sa source, tatlong araw daw unconscious o walang malay ang komedyante at saka binawian ng buhay.
Huling nagkaro’n ng public appearance si Elizabeth sa show na Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN kung saan siya ang in-impersonate ng nanalong si Melai Cantiveros. Ang amin pong pakikiramay.
- Latest