^

Pang Movies

Pinanindigan na hindi magbi-bise Ate Vi may isang salita, ‘di marunong mang-eklay

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May isang salita si Gov. Vilma Santos noong sabihin niyang hindi siya tatakbo for Vice President. Hindi siya nakuha sa pambobola ng mga pulitikong gusto siyang maka-tandem komo’t malakas ang da-ting niya sa masa. Mas gusto ni Gov. Vi na pagsilbihan ang mga kababayan sa Batangas.

Naisip niyang baka hindi kayanin ng kalusugan niya ‘yung pangangampanya sa iba’t ibang lugar. Halimbawa, kailangan niyang kumaway-kaway lang sa Mindanao, magpa-tweetums sa Kabisayaan at kumanta sa Luzon. Malaking sakripisyo ito, hindi kaya ng health ni Gov. Vi.

Hinarap na lang niya ang pangakong gagawa ng movie sa Star Cinema kung saan kasama niya si Angel Locsin na balitang mamanugangin na niya dahil kay Luis Manzano. Ang problema lang parang hindi na napag-uuspan ang nabalitang wedding sana ng dalawa. Hindi na rin nababanggit kung tatakbo pa rin ba bilang Mayor sa Lipa si Gov. Vi.

Ang mahalaga ay may isang salita ang Star for All Season na hindi siya tatakbo sa pagka-Bise.

Rochelle nag-iisang natira sa Sexbomb dancers

Maswerte si Rochelle Pangilinan na kahit nag-iisa ay namamayagpag ang beauty niya sa Kapuso network. Napakinabangan niya ang taglay na talent sa sing at dancing dahil kahit nag-iisa, bumabandera. Nakakahinayang ang mga kasamahan noon ni Rochelle sa Sexbomb, magagaling umarte, at magaganda, seksi, pero wala silang agimat na kung tawagin ay luck (swerte o kapalaran).

Masaya si Rochelle na kahit hindi na si Joy Cancio ang manager, nakakapag-usap daw sila paminsan minsan. Si Joy ang gumastos lahat noon sa Sexbomb dancers. Nag-produced din ng teleseryeng Daisy Siete na tumagal din ng limang taon sa ere. Nowadays, sino bang teleserye ang nakatagal ng ganoong panahon? Na-tsugi lang sila sa ere noon dahil may nanlaglag sa kanila dahil gustong kunin ang kanilang timeslot. Nasa kasikatan ang Daisy Siete noong matsugi. Well sabi nga, there’s no forever. Lahat ay may katapusan.

Kaya sinusuwerte, Alden walang bisyo at relihiyoso

Maging isang piloto ang ilusyon ni Alden Ri-chards. Subalit pag-aartista ang kagustuhan ng yumao niyang ina. Tama ang pangarap ng kanyang ina, sa pag-aartista sisikat at magkakaroon ng maraming pera si Alden.

Tisoy ang tawag noon kay Alden noong ma-nalong Mr. Laguna sa Sta Rosa, Laguna. Hindi aka-laing ang Mr. Laguna pala ang magiging sikat na sikat sa tamang panahon. Mabait na bata si Alden kaya siya sinuswerte. Hindi naninigarilyo at lalong hindi umiinom ng alak at higit sa lahat, relihiyoso.

                          

ALDEN RI

ALIGN

ANG

DAISY SIETE

HINDI

LEFT

MR. LAGUNA

NBSP

QUOT

SEXBOMB

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with