^

Pang Movies

Mali raw ang balita sa social media CBCP itinangging bibigyan nila ng award at iniendorso ang AlDub

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May gustong linawin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ginawa nila ang paglilinaw na iyan sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Archbishop Soc Villegas ng Lingayen-Dagupan. Sinabi nila na taliwas sa mga kumakalat sa social media, hindi ang CBCP ang magbibigay ng award sa AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Bibigyan ng award ang AlDub doon sa Catholic Social Media Summit, na isang event na binuo ng mga kabataang Katolikong laiko, hindi ng mga obispo mismo.

Bagama’t nitong mga nakaraang araw ay may lumalabas na mga papuri sa AlDub dahil sa magagandang values na nakukuha mula sa kalyeserye sa mismong website ng CBCP, at sinasabi nga ng kanilang spokesperson na si Monsignor Pedro Quitorio na ine-endorso nila talaga ang palabas dahil sa mga positive values lalo na sa pagliligawan at sa kasal, hindi nangangahulugang isang pag-eendorso na iyon ng mga obispo talaga.

Actually walang pakialam ang mga obispo sa mga ganyang bagay dahil ang CBCP ay nagpapalabas lamang ng mga statement na may kinalaman sa simbahan o mga bagay na inaakala nilang mahalaga sa buhay ng mga Kristiyano. Kung minsan na may nakikita kayong opinion ng mga obispo bilang pag-eendorso o kaya bilang pagtutol sa ano mang bagay, maaari iyon ay personal lamang nilang opinion, at hindi ng buong kapulungan.

Showtime sanay nang mapagalitan ng MTRCB

Doon naman sa kabila, may trouble na naman dahil ipinatatawag ng MTRCB ang producers at iba pang may kinalaman sa show na It’s Showtime dahil sa “gender sensibility”, matapos silang ireklamo ng Gabriela at ilan pang mamamayan dahil sa sinasabing “hindi tamang treatment” sa paghahanap ng boyfriend ng kanilang Pastillas Girl.

Kung sa bagay wala namang nangyayari riyan sa mga gender sensibility seminars nila eh. Parang warning lang, pagsasabihan, at sigurado naman sanay na ang Showtime sa mga ganyang bagay dahil maya’t maya naman tinatawag na sila sa mga gender sensibility conferences na ganyan eh, ano ba ang nangyayari, medyo mababawasan nang kaunti, pero may maiiba na namang segment, may makikita na naman ang MTRCB, ipatatawag na naman, ganoon din ang kalalabasan. So cycle na ‘yan.

Para ngang ipinapakita lamang ng MTRCB na may ginagawa naman sila. Ang tanong nga lang ay ano ba ang nangyayari?

Iyang sinasabi nilang “gender sensibility” walang mangyayari riyan kung lahat ay puro usapan lang. Dapat may aksiyon talaga pero magagawa ba nila iyon? May powers ba sila?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ARCHBISHOP SOC VILLEGAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CATHOLIC SOCIAL MEDIA SUMMIT

DAHIL

MAINE MENDOZA

MGA

MONSIGNOR PEDRO QUITORIO

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with