^

Pang Movies

Regine hindi na kinakarir ang lovemaking nila ni Ogie

- Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Regine Velasquez-Alcasid na siya ang may ayaw na pumasok sa politika ang asawang si Ogie Alcasid. May tsika kasing tatakbo raw Senador sa 2016 elections ang kanyang mister pero siya ang tumutol.

 “Hindi totoo ‘yan,” say niya sa presscon ng Regine…At The Theater concert series niya, “kasi I’m very supportive. I ask him if he wants to run, even if I don’t like him to run, I will support him and he knows that.

 “But he’s decided not to talaga. He has decided long time ago that he wants to be a public servant, not a politician. You can ask him yourself pero never akong naging “hoy, huwag kang tatakbo”, never akong naging ganyan coz I’m very supportive. I will support him in any…kung gusto niya ngang mag-bold, isu-support ko siya,” sabi pa ni Songbird na ikinatawa ng entertainment press.

Natanong din si Regine kung kaya ba wala na silang planong sundan si Nate ay dahil gusto niyang mag-concentrate ulit sa pagkanta, aniya ay wala naman daw siyang natatandaang sinabi niyang ayaw na niyang magbuntis.

“We’re trying pero hindi ko ine-expect, hindi ko kinakarir. Kasi, like lagi kong sinasabi, if God wants to grant us another child, then you know, we’ll be so happy. Kung hindi naman, I’m okay. Hindi ko po siya kinakarir, kasi mas mahirap ‘yun, eh, ‘yung karirin mo tapos ayaw, you’d be more frustrated,” say ni Regine.

Just like when she got pregnant with Nate, hindi rin daw niya ine-expect na mabubuntis pa siya at talagang ipinasa-Diyos na lang niya since nasa 40s na nga rin siya nu’n.

 “So, now, my motto is the same. If God wants us to have another child, we’ll be so happy. Kung hindi, my God, Nate is more than enough.”

Sam at Jennylyn inuudyukang magseryosohan na

Laging magkasama sina Sam Milby at Jennyln Mercado nitong mga nakaraang araw dahil panay ang mall tour nila para sa promo ng first movie nila together na The PreNup. At take note, marami ang nakakapansin na mga fans ni Jen na mukha ngang type ng aktor ang kanyang leading lady.

Tulad na lamang nang mag-promote sila sa Fisher Mall, sobrang natuwa at kinilig ang fans dahil sa impromptu ang duet nina Sam and Jen.

Dapat ay solo numbers lang daw ang gagawin nina Sam and Jen pero bigla raw naisip ng aktor na mag-duet na lang sila.

Bukod dito, kapansin-pansin na sobrang bagay daw talaga ang dalawa kaya nga some fans are rooting for them na sana ay sila na lang ang magkatuluyan.

Well, ang masasabi lang namin, abangan na lang natin after i-showing ang movie nila at makita natin silang magka-date, ang ibig sabihin lang nito at nahulog na talaga sa isa’t isa ang mga loob nila.

Anyway, ilang buwan na ring hindi nakakatikim na matinding kilig ang romantic moviegoers kaya saktung-sakto ang dating ng The PreNup dahil umaapaw talaga ang kilig na dala nina Jen at Sam especially ang mga eksena nila sa New York City.

Kasama rin sa cast ng The PreNup sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Choa, Ella Cruz, Freddie Webb at marami pang iba.

Matutunghayan ang non-stop kilig mula kina Sam-Jen sa premiere nito sa Oktubre 13 sa SM Megamall, 7PM

Ang The PreNup ay mula sa direksyon ng premyadong director na si Jun Lana na napapanganga na lang sa kasiyahan sa effortless na pagpapakilig nina Jennylyn at Sam.

Gabby maraming iyak sa pelikula ng INC

Medyo namumugto pa ang mata ni Gabby Concepcion nang makausap namin matapos ang matagumpay na world premiere ng Felix Manalo noong Sunday sa Philippine Arena. Aminado ang aktor na maraming beses siyang napaiyak habang pinanonood ang movie.

 “Nakakaiyak talaga kanina, hindi ko mapigil. Maraming mga eksena, especially ‘yung digmaan, pinaninindigan niya (Felix Manalo portrayed by Dennis Trillo), tapos ‘yung mga love angle pa, ‘yung mga tao, ‘yung mga trahedya nila. Marami,” pahayag ni Gabby.

Wala raw siyang masabi sa ganda ng kinalabasan ng pelikula.

 “Hindi ko akalain na ganyan ang kalalabasan niyan. Pero alam ko talagang. . . hinihintay ko talaga ang resulta ng pelikula kasi gusto kong malaman ang history ni Felix Manalo. Madalas ko lang talaga nakikita ‘yung palasyo (INC church), eh, sa San Juan, I grew up in San Juan. So, dati kong panaginip, naging katotohanan na mapasok ko ‘yun.

 “Pero higit pa do’n, naging parte pa ako ng pelikula at wala na akong masabi talaga dahil binigay sa akin ang role na Ka Erdy (Manalo), so ‘yung respeto ko sa kanila, eh ganu’n na lang.

“Para sa akin, second chance na ito sa buhay na makabalik ako dito (Pilipinas), tapos meron pang ganun’g blessing.”

Pati raw ang response ng mga taong nanood partikular na ang mga INC members ay sobrang overwhelming.

“Kinilabutan ako, Hindi ko na masabi ang words na gagamitin ko. Walang description. Ang ganda! Ang galing ni Dennis Trillo, ang galing ni direk (Joel Lamangan), ang galing ng sound, editing, production design.”

Kahapon, October 7 ay nagsimula nang ipalabas ang Felix Manalo sa mahigit 300 theaters.

ACIRC

ANG

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

HINDI

LANG

MGA

NATE

SAM AND JEN

SAN JUAN

TALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with