^

Pang Movies

Gerald biglang naalala ang ina nang magka-dengue

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kapansin-pansin ang pagsasama-sama sa stage nina Gerald Anderson, Kim Chiu, and Maja Salvador sa ASAP 20s Kapamilya Thank You episode last Sunday sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna. Magkakasama silang tatlo sa Boom Panes number at kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nakita silang tatlo in one prod number.

Sa backstage ay nakapanayam ng media si Gerald at natanong kung ano ang pakiramdam niya na kasama niya ang kanyang dalawang ex-girlfriends sa stage.

“Isa lang naman ang goal namin lahat eh, it’s to bring entertainment and ma-inspire ko ‘yung mga tao. So hindi na lang namin iniisip ‘yung mga ganon (ilangan). (Our) goal is to make the people happy and make our Kapamilya dito sa Laguna happy,” pahayag ni Gerald.

Kamakailan din ay nagkaroon siya ng dengue at sinabi nitong hinahanap-hanap niya ang kanyang ina nang siya ay ma-confine. “‘Pag may sakit ka, doon mo talaga hahanapin ‘yung nanay mo at saka ‘yung mga kapamilya mo talaga. Sobra, wala akong ibang sinasabi kundi ‘mama’. Wala naman siya doon, nasa Gen San (General Santos) kasi pero wala akong ibang sinasabi kundi ‘mama,’” kwento ni Gerald.

Regine magpapaka-Broadway singer

Natutuwa naman si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na unti-unti nang bumabalik ang dati niyang boses ngayon kaya naman balik-concert din siya.

She’s having a concert series on Nov. 6, 7, 20, and 21 titled Regine At The Theater sa The Theater, Solaire Resort & Casino. Talagang ratsada na naman siya now that her voice is slowly getting back to normal pero siyempre, hindi pa rin daw niya dapat abusuhin.

Ikinuwento nga ni Songbird sa presscon niya kahapon para sa nasabing concert series na talagang nahirapan siyang kumanta simula nang makapanganak siya kay Nate.

Kaya happy daw siya na ngayon, her voice is slowly getting back to normal although may pagkakataon din daw na medyo nahihirapan pa rin siya at on and off pa rin ang kanyang boses dahil nga sa acid reflux na wala raw gamot.

Inamin niyang she gets frustrated pag hindi niya naaabot ang mga matataas na nota pero dumating daw sa point na wala na siyang pakialam at mas nakatulong pa raw ‘yun for her para bumalik ang kanyang self-confidence pati na rin ang kanyang boses.

Noong dalaga pa raw siya, normal na niyang ginagawa ang magkaroon ng one major concert sa malaking venue at one major series na tulad nga nitong gagawin niya sa Solaire.

Pero since she gave birth nga ay medyo nagpahinga siya kaya super-excited siya for Regine at the Theater concert series lalo pa nga’t first time niyang gagawin ang ganitong klaseng konsepto na puro musicales ang kanyang re­pertoire.

She will be performing Broadway songs pero may OPM songs pa rin. Bibigyan daw nila ng tribute si Ryan Cayabyab at marami rin daw siyang bagong kantang kakantahin.

Dennis pang-Oscar ang lebel ng akting

Pang-Hollywood ang husay at consistency na ipinamalas ni Dennis Trillo sa pinag-uusapang epic filmbio na Felix Manalo ng Viva Films na mapapanood na sa mahigit na 300 na sinehan simula ngayong Miyerkules, October 7.

Ang Guinness record-breaking na pelikula, na pinamahalaan ng batikang direktor na si Joel Lamangan, ang pinakamalaking proyekto sa acting career ni Dennis. Dito ay ginampanan niya ang importanteng papel ng Iglesia ni Cristo founder at first executive minister na si Ka Felix Manalo.

Si Bela Padilla naman ang gumanap bilang si Ka Honorata, ang simple at napaka-supportive na maybahay ni Ka Felix.

Sabi nga ng mga kritikong nakapanood ng Felix Manalo sa engrandeng world premiere na ginanap nu’ng Linggo sa Philippine Arena, pang-Oscar ang level ng kagalingang ipinamalas ng aktor.

Isa ang nirerespetong kolumnista na si Teddyboy Locsin sa mga labis na humanga sa performance ni Dennis sa Felix Manalo.

Sa kanyang Twitter account, pinuri niya ito sa pagsasabing, “Dennis Trillo is an Oscar level star. What acting, soft, subtle, eloquent with difficult lines.”

Napakaganda raw ng buong pelikula, “lovely scenes and elegiac stone, wonderful, Dennis Trillo deserves an Oscar.”

Ang ibang kritiko naman, naniniwalang malakas ang laban ng Kapuso actor sa kategoryang best actor sa susunod na awards-giving season.

Tunay daw na maipagmamalaki ng Felix Manalo, hindi lamang ng mga kasapi ng INC, kundi maging ng bawat Pilipino.

Napakaraming highlights ng pelikula, isa na rito ang confrontation scene nina Dennis at Phillip Salvador, kung saan pinalakpakan ng libu-libong audience ang tatag at paninindigan ng una sa kanyang pananampalataya.

Bukod kina Dennis at Bela, mahigit isang-daang artista rin ang sumusuporta sa Felix Manalo gaya nina Gabby Concepcion, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Richard Yap, Tonton Gutierrez, Mylene Dizon, Bobby Andrews, Heart Evangelista, Bembol Roco at marami pang iba.

vuukle comment

ACIRC

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

ANG GUINNESS

BEMBOL ROCO

DENNIS

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

KANYANG

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with