^

Pang Movies

Dagdag ang dalawang nakuha sa Felix Manalo INC nakakasampung world records na!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumaludo ang mag-inang Lily at Roselle Mon­teverde sa Iglesia ni Cristo dahil sa super-successful na premiere night ng Felix Manalo last Sunday sa Philippine Arena. Updated sa kaganapan sa social media at sa TV station ng INC ang mag-ina kaya naman alam nilang nakakuha ng dalawang world record mula sa Guinness ang premiere night na ‘yon, huh!

Biro nga ni Roselle, nagpa-manicure last Sunday si Mother Lily. Late dumating si Mother kaya naman nagalit daw sa kanya ang manikurista dahil member pala siya ng Iglesia at dadalo pa sa premiere!

Anyway, suki na pala ang INC ang pagkuha ng world record ayon sa adjudicators mula sa Guinness na dumalo sa premiere. Ang dinig namin, nakakuha na ng walong world record ang event ng INC kaya naman sa tinanggap nilang world record ay umabot na sa sampu ang world record na naitala nila!

Kitang-kita at damang-dama ang unity ng INC sa proyektong ito na tuma­lakay sa pagkakatatag ni Felix Manalo ng Iglesia ni Cristo. Marami ring rebelasyong inihayag ang kabuuan ng pelikula na magsisilbing eye-opener hindi lang sa members kundi pati na rin sa mga nang-iintriga sa kapatiran!

Eh, meron din palang intrigero sa INC na inilabas ng movie. Tungkol ‘yon sa paghirang ni Manalo noon ng ilang ministro na kinainggitan ng ibang members. Pero sandata ni Manalo ang salita sa Bibliya kaya naman napatahimik niya ang intrigerong miyembro, huh!

Kung ang misyon lang ng INC ang layon nila sa movie, tagumpay sila sa aspetong ito! But of course, there’s more to the other than that!

Dennis ilang beses pinalakpakan sa Philippine Arena

Right choice si Dennis Trillo sa role ni Felix Manalo. Except sa prosthe­tics, consistent ang performance niya bilang sa isang teenager na sacristan hanggang sa matandang si Manalo.

Walang hysterics, walang sigawan at subtle ang ac­ting niya kaya naman ilang beses siyang pinalakpakan ng mahigit 43, 000 na taong pumuno ng Philippine Arena, miyembro man o hindi.  Truly, man of the night siya ng gabing ‘yon lalo na nga’t sa pagpasok ng Arena, mukha niya ang nakadispley sa mga tarpaulins at malalaking billboards, huh!

Simple lang naman ang role ni Bela Padilla bilang second wife ni Dennis na si Honorata Manalo. Less kasi ang requirements niya bilang simpleng maybahay ng founder ng INC. Kumbaga, suporta at hindi pumapapel sa gawain ng asawa kaya wala siyang drama na umeeksena sa activities ni Felix.

Maraming artistang guests sa movie. Hindi naman sila display lang o pandagdag sa star value ng movie. Bi­nig­yan din sila ng importanteng eksena at may dayalog ang karamihan.

Gusto namin ang role ni Philip Salvador na pinuno ng isang relihiyon na kumontra kay Dennis sa isang pagpupulong. Swak din sa amin si Ryan Eigenmann na kumampi kay Ipe sa eksena.

Present din si Richard Yap towards the end of the film. Siya ang nag-nominate kay Eraño Manalo, played by Gabby Concepcion, na kapalit ni Manalo.

Huling lumabas na bigating artista si Lorna Tolentino. Siya ang doctor na tumingin sa huling sandali ni Felix.

Ilan pa sa mga artistang naging bahagi ng biggest ga­thering of local stars in a local film ay sina Snooky Serna, Gladys Reyes, Jackie Woo, EJ Falcon, Bembol Rocco, Wendell Ramos, Christopher Roxas, Eddie Gutierrez, Mon Confiado, at Joel Torre.

Congrats to the Felix Manalo team and of course, kay Joel Lamangan! Showing na bukas ang pelikulang binig­yan ng A Grade ng Cinema Evaluation Board (CEB)!

A GRADE

ACIRC

ANG

BELA PADILLA

BEMBOL ROCCO

CHRISTOPHER ROXAS

CINEMA EVALUATION BOARD

FELIX MANALO

MANALO

PHILIPPINE ARENA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with