^

Pang Movies

Yaya Dub at Lola Nidora rarampa sa Catholic Social Media Summit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naimbitahan ang mag-lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Yaya Dub (Maine Mendoza) na maging guest speakers sa Catholic Social Media Summit na magaganap sa Sta. Rosa, Laguna on October 10 and 11.

Ang Catholic Social Media Summit ay gathe­ring ng social media communicators, bloggers, photographers, and writers.

Naging social media darlings sila Lola Nidora at Yaya Dub dahil sa popularity ng kalyeserye na nag-set ng kakaibang record sa Twitter with 25.6 million tweets sa kanilang episode na may hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate.

Hinangaan ng maraming pari ang mga words of wisdom ni Lola Nidora tungkol sa pag-ibig sa tamang panahon.

Pati na ang tradisyon ng panliligaw, panunuyo, pag-mano at pagsabi ng ‘po’ at ‘opo’ ay muling binuhay sa kalyeserye.

Ang pinaka-theme ng naturang summit ay ang kung paano mag-spread ng Gospel gamit ang power ng social media.

Kabilang ang CBCP sa pumupuri sa bawat episode ng kalyeserye dahil sa “real” portrayal ng mga cha­racters nito, kasama na sina Alden Richards, Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), kahit na dinadaan pa nila ito sa pamamagitan ng pagpapatawa sa marami nilang manonood, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ayon pa kay Msgr. Pedro Quitorio, CBCP Media Office director, ang tambalang AlDub ay hinahangaan nila “for being unique as it promotes good values.”

Organized ito ng YouthPinoy, isang group of “online missionaries,” at nagsimula ito noong 2012 with Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang keynote speaker.

Isa sa highlights pa ng event ay ang launching ng Catholic Social Media Awards na binuo ng CBCP Media Office and the Areopagus Communications Inc., para ito sa paglawak ng responsible online communicators.

Lady Gaga hinirang na Woman of the Year ng Billboard mag

Si Lady Gaga ang hinirang ng Billboard magazine bilang Woman of the Year for 2015.

Ayon pa sa Billboard, si Lady Gaga ay isang “key influential figure who drove the conversation”.

Kabilang sa mga naging highlights ng 2015 kay Lady Gaga ay ang kanyang performance sa Oscar Awards bilang tribute kay Julie Andrews; ang kanyang tour with Tony Bennett at ang kanyang concern para sa sexual assaults na nagaganap sa ilang mga colleges in the U.S.

“There is no woman dominating popular culture tastes and its evolution as much as she is today,” dagdag pa ng Billboard.

Ang 29-year-old artist ay mapapanood sa kauna-unahang series niya na American Horror Story: Hotel.

Igagawad kay Lady Gaga ang Billboard Woman of the Year in New York in December at live itong mapapanood on national television.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

AMERICAN HORROR STORY

ANG

ANG CATHOLIC SOCIAL MEDIA SUMMIT

AYON

LADY GAGA

LOLA NIDORA

MEDIA

WOMAN OF THE YEAR

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with