^

Pang Movies

FAMAS 2015 Best Child Performer Miggs Cuaderno bida sa Magpakailanman

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Kapuso child actor na si Miggs Cuaderno ang nanalo bilang Best Child Performer sa nakaraang 63rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards. Napansin ng naturang award-giving body ang kanyang natatanging pagganap bilang Etok sa pelikulang Asintado. 

At ngayong Sabado, ipapamalas muli ni Miggs ang kanyang galing sa pag-arte sa Magpakailanman. Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Paul Oliver, isang batang lalaki na isinilang at lumaki sa isang prison compound at nagsilbing inspirasyon ang piitang kinalakihan para matupad ang kanyang mga pangarap. Itinatampok din sina Sunshine Dizon, TJ Trinidad, Liza Lorena at Perla Bautista. Kasama rin sina Mel Kimura, Jak Roberto, Andrew Schimmer at George Lim. Ang episode na pinamagatang Ang Batang Isinilang sa Bilangguan: The Paul Oliver Pili story ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Sa paglaki ni Paul Oliver, hindi niya ininda na sa piitan siya nakatira. Ang selda ay kanilang tahanan; ang prison compound, kasama ang kanyang ina, lola at ang lahat ng preso at mga pulis, ang kanilang masayang komunidad. Ngunit ang inaakalang pang-habang buhay na saya kapiling ang lola at ina ay magwawakas din pala.

 Alamin ang kuwento ng buhay ni Paul Oliver sa Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

ANDREW SCHIMMER

ANG

ANG BATANG ISINILANG

ANG KAPUSO

BEST CHILD PERFORMER

FILIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES

GEORGE LIM

JAK ROBERTO

LIZA LORENA

LOUIE IGNACIO

PAUL OLIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with