^

Pang Movies

Mark Bautista nawalan na ng career?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman siguro masasabing naiinggit. Sa salitang Tagalog ay maaaring nananaghili lang ang ibang mga artist. Isipin nga naman ninyo, marami ang nagsisikap na singers na ok din naman pero ni hindi magkaroon ng pagkakataon sa telebisyon. Mayroong mga professional na natatabi pa. Magandang halimbawa na nga si Mark Bautista na mahusay naman. Lumipat siya sa Channel 7 para magkaroon ng mas magandang exposure, pero ngayon ay wala na dahil inalis na ang kanilang show at hindi naman siya nakasali sa pumalit na show.

Hindi lang siya, maraming iba pang singers na nawalan ng pagkakataon sa telebisyon. Para bang sinasabi na hindi na sila uso. Tapos napapasukan sila ng mga ni hindi makakanta nang live, puro lip synch lang pero kinakagat ng mga tao.

Lalo na nga noong sumikat ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, ni hindi lip-synch iyan. Kahit na nga hindi lip-synch eh puwede dahil dubsmash nga iyan, pero tingnan ninyo sumikat nang husto. Sino ba sa mga singer ngayon ang kasing sikat ng AlDub? Sino ba sa kanila ang pinag-uusapan? Kaya nga hindi mo masisi ang ilan kung sila man ay nananaghili, at may nagsasabi pa ngang ang nangyayari ay “kababawan”.

Pero maaawat mo ba iyon? May magagawa ka ba kung iyon ang gusto ng publiko?

Maaaring sabihin nila na sila nga ang better alternative. Maaaring sabihin nila na sila nga ang mas magagaling. Pero kung papaano mo makukum­binsi ang publiko na ikaw nga ang magaling at ikaw ang dapat nilang suportahan ay ibang istorya na.

Iba na ang mentalidad ng publiko ngayon. Nabago ang lahat ng iyan dahil sa social media. Mas may boses na sila ngayon. Hindi na sila umaasa sa ratings na sinasabing nadadaya. Ginagamit na nila ngayon ang tweets, ang hashtags para mailabas kung ano talaga ang malakas at kung ano ang nalalampasong mga palabas.

Happy Truck ng Bayan may advantage sa mga kalaban

Ang mga “outside studio broadcast” nga ba, o ang tinatawag ding remote telecast ang nagpapalakas ng isang show? Palagay namin ay hindi. Noong una, pinaniniwalaan na ang pagbo-broadcast ng live mula sa isang remote point ay nakatutulong, dahil nakukuha mo ang audience mula sa remote point mo. Pero ang papupuntahin mo ang audience sa isang venue, kahit na sabihin mong libre pa iyan, hindi na rin ito magkakaroon ng effect.

Iba kung ang format ng show mo ay kagaya ng Happy Truck ng Bayan sa TV5, kasi iyon ang format nila. Para silang travelling show talaga na nagpupunta sa iba’t ibang lugar. Pero kung iisipin ninyo, magastos iyan dahil lumalabas ka ng studio. Gagamit ka ng satellite link. Palalabasin mo ang isang OB Van. Mas maraming taong kailangan sa outside broadcast.

Siguro nga ang advantage lang ng TV5 ay sister company nila ang ilang telecommunications company na nakakatulong nila sa remote broadcast kaya madali lang iyon para sa kanila. Eh iyong network na hindi, at kailangang mag­bayad para sa kanilang remote connections? Matindi iyan, pero kung gusto nga nilang sumubok sa paniniwalang iyon ang magagawa nila laban sa kalaban nilang shows, hindi natin sila mapipigil. Baka ang makapigil lang sa kanila ay kung tuluyan na silang malugi dahil sa show nila.

ALIGN

ANG

HAPPY TRUCK

HINDI

KUNG

LEFT

MGA

NGA

PERO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with