AlDub tandem desididong pataubin
Over acting naman ang isang post sa Facebook na kesyo dapat patigilin na ang AlDub dahil nakakasira ito sa ekonomiya ng bansa.
Kapag lumalabas na raw kasi ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bualaga ng Kapuso Network ay marami na ang naabala.
Marami tuloy nagtatanong na ibang banyaga dahil umabot ng 25-M tweets last Saturday, kung hindi na ba natutulog o wala nang ginagawa ang mga Pinoy kundi mag-tweet.
Siguradong bahagi naman ng demolition job laban sa tambalang AlDub na pati pictures ng dating dyowa ni Maine ay hinalungkat. Ngayon si Alden naman ang tinitira na kesyo bading daw ang actor. Ipinalalabas pang may mga pictures si Alden na may kasamang mga lalaki.
Desperado na talaga ang iba na pataubin ang AlDub. Hindi pa gaanong nagsasalita si Yaya Dub pero marami naman ang naghihinala na maririnig lang boses ni Yaya Dub sa movie nitong kinabibilangan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Cong. Lani umaasang makakalaya sa Pasko si Bong
Wala man si Bong Revilla sa pagbubukas ng bagong munisipyo ng Bacoor last Monday, alam ni Cong. Lani Mercado na masaya at proud din ang senador sa bagong legacy na naiambag ng pamilyang Revilla sa bayan ng Bacoor.
Bale ba nagdiwang ng 344th founding anniversary ang Bacoor na pinangunahan rin nina Mayor Strike at Jolo Revilla.
Nakadagdag pa ng kasiyahan dahil nakatanggap din ang City Government ng Bacoor ng Seal of Good Governance mula sa Department of Local Interior and Local Government.
Hindi nagtagal si Jolo sa event at sa blessings din ng bagong munisipyo dahil may iba pa siyang commitment. Kaya naiwan sina Cong. Lani at Mayor Strike na nag-asikaso sa paglilibot sa buong building kasama ang ibang opisyales at bisita na inikot ang magandang building ng munisipyo.
Ipinagmamalaki naman ni Lani na meron nang sariling public hospital ang probinsiya ng Bacoor sa may Habay District na meron nang 10 kama at matatapos ang tuluyang pagsasaayos nito sa taong 2017.
Aminado naman si Lani na meron nang pondo para sa itatayong mga building para sa pagsisimula ng senior high school sa 2016.
Umaasa naman at nanalangin si Lani na pakikinggan ng korte ang apela para sa pansamantalang kalayaan ni Bong. Wish nilang magpapamilya na makasama ang senador ngayong Kapaskuhan.
- Latest