^

Pang Movies

Megan at Lauren, sanay sa sabunutan at tarayan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkaroon ng magandang working relation­ship ang magkapatid na Megan at Lauren Young dahil sa pagsama nila sa top-rating Kapuso primetime series na MariMar.

Bagamat magkaaway ang roles nila sa tele­serye, masaya naman si Megan dahil nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataon na makasama sa isang teleserye ang kanyang kapatid.

“Mas nakilala ko siya as an actress at hindi lang bilang kapatid ko.

“Kami naman ni Lauren, we really have a good rapport. It’s easier for us na magsabunutan at magtarayan kasi walang hard feelings pagdating sa amin.”

Bryan White inaabangan ng AlDub fans

Hindi kami magtataka kung ma-sold out agad ang tickets para sa magaganap na concert ng God Gave Me You singer na si Bryan White dahil inaabangan na ito ng mga fans nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Kinumpirma na ng American singer-songwriter na sa December 1 na magaganap ang kanyang first-ever concert sa Pilipinas at sa Smart Araneta Coliseum ang venue.

Magsisimula ang ticket selling sa October 1.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ginawa ni Bryan ang pinakahihintay na announcement ng AlDub Nation.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Bryan ng photo na naka-pabebe wave siya at may hashtag na #GGMY at #ALDUBYOUALL.

Pinasikat ulit ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang awiting God Gave Me You na siyang pinaka-love theme ng AlDub loveteam. Sumikat ang awiting ito noong 1999 and after 16 years ay muli itong naging most requested song sa lahat ng FM stations sa ating bansa.

Hollywood actor Danny Pintauro inamin ang sakit na HIV

Inamin ng former Hollywood child actor na si Danny Pintauro na siya ay HIV Positive for 12 years.

Nakilala si Pintauro dahil sa kanyang role bilang si Jonathan Bower sa hit ‘80s US sitcom na Who’s The Boss? kunsaan bida sina Tony Danza at kasama rin ang teenager pa lang na si Alyssa Milano.

Sa isang sit-down interview ni Danny with Oprah Winfrey, inamin nito ang tinatago niyang sikreto for 12 years.

“It’s just a big deal. It’s not something that people are talking about right now.”

The 39-year old former child actor married sa kanyang husband na si Wil Tabares na nakilala niya in 2012.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALYSSA MILANO

ANG

BRYAN WHITE

DANNY PINTAURO

EAT BULAGA

GOD GAVE ME YOU

JONATHAN BOWER

LAUREN YOUNG

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with