^

Pang Movies

Kahit nagkabalikan na sila ni Kris?! Bistek pauunahin munang pasakal sina Vic Sotto at PNoy

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Mayor Herbert Bautista ang bulung-bulungan tungkol sa festival movie nila ni Kris Aquino na diumano ay hindi na siya kasama sa lead cast. Lumutang din kasi ang pangalan ni Derek Ramsay na kapalit niya.

“Ganito ‘yan. Kasi nagsu-shooting ng Etiquette (For Mistresses) si Kris. Tapos nagkakasakit na siya,” simula ni Mayor sa lunch treat niya sa July-September born na press.

“Nu’ng una, buo na ‘yung pelikula. Pero wala pang script. ‘Yung cast pa lang and then, eventually, nu’ng nagkakasakit, ayaw na rin niyang gawin ang movie. Then na-persuade siya na ituloy ‘yung movie na iba ang cast. Kasi, malapit na ang eleksyon, ‘di ba? At this point, on Wednesday, ia-announce na ng Liberal Party ang kanilang Vice President, senators. I belong to the same party, Liberal Party. May isang term pa naman ako.

“But my name is already listed sa possible senatoriable candidates. More or less, mga 16 kasi ‘yung names eh. Eh, twelve lang ang kukunin, ‘di ba?

“Tapos, biglang natuloy ang pelikula. Nu’ng itutuloy ang pelikula, supposedly, parang si Derek yata pero but it was not a done deal with Star Cinema and Derek. So about last Friday, Monday or Tuesday, nagmiting kami ni Tita Malou (Santos), tuloy ang movie. Kasama na ako ulit.

“Sabi ko nga, okey lang kahit hindi ako kasama. Pero si Tita Malou mismo ang nagsabi, ‘No we want you there! Ikaw ang original na…Somebody else could take place sa character or the role, pero you are our…You are the original cast.’

“And I think, wala pang script. Hindi ko pa nakikita ang script. I was informed sa October 9, magri-resume na ang shooting. Kasi nag-shoot na ako ng isang araw. So magri-resume sila ng shooting ng October 9.

“Hindi ko lang alam kung kasama ako sa kanilang resumption ng shooting.

“But I am thankful sa Star Cinema dahil they still consi­dered me to be part of the mo­vie. Kahit maliit lang ang role, ang importante, may raket! Ha! Ha! Ha! Basta may pelikula.

“And I think everything is falling into place. You have movie with Star Cinema. I think, LizQuen kasama roon. Then, ‘yung kina Vice yata, JaDine at ‘yung kina Vic (Sotto) naman, AlDub. Ang lakas ng AlDub! Ha! Ha! Ha!” paliwanag ni Mayor Bistek.

Bakit naiba ‘yung title?

“’Yung Mr. & Mrs. Split is a working title. Eh, si Kris naman, nakilala sa salitang Lab, lab, lab eh. Saka merong kantang Love, Love, Love, pinapahanap ko ‘yon. Para ‘yon ang gamitin. Upbeat ‘yon.

“And I hope na magkatuluyan ang Star at Viva sa co-production dahil Viva is my manager,” tugon niya.

So out na ba talaga si Derek?

“Kung gusto niya, wala namang problema! Ha! Ha! Ha!” saad ni Mayor. “I really don’t know. Ang alam ko lang is sa akin. If Derek is there, that will be okey. That will be a good boost,” rason ni HB.

Teka, nagkabalikan na ba sila ni Kris?

“Nagkabalikan? Hindi eh. Wala kaming…Sinabi niya na wala naman eh,” sagot niya.

“Hinihintay ko lang magpakasal si Bossing! Tapos, si PNoy naman! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Bistek.

Pagdating naman sa tsismis na plano niyang tumakbo bilang senador, malalaman pa ang kasagutan sa Wednesday dahil wala sa bansa ngayon si Speaker Sonny Belmonte.

Balita pa ni Mayor Herbert, baka next month na ang showing ng movie niyang Lumayo Ka Nga Sa Akin! kung saan sila ni Maricel Soriano ang magkapareha.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUT I

DEREK

DEREK RAMSAY

KASI

LIBERAL PARTY

STAR CINEMA

TAPOS

TITA MALOU

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with