^

Pang Movies

Kailangan magpaliwanag Sheryl, may sighting na ka-meeting ang mga taga-Liberal Party!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ano kaya ang paliwanag ni Sheryl Cruz sa balita na-sight siya na nakikipag-meeting sa mga tao na associated sa Liberal Party at pinaghihinalaan na nag-udyok sa kanya para magsalita laban sa pinsan niya na si Senator Grace Poe?

Masyadong detalyado ang mga im­por­masyon kaya marami ang gustong ma­ka­rinig sa explanation ni Sheryl na nag-nega nang todo dahil ayaw paawat sa pagsasalita laban kay Mama Grace.

Nag-deny na si Sheryl sa mga interbyu sa kanya kaya hinihintay rin ang sagot ng mga tao na pinangalanan ng mga source at nakita na kausap niya sa isang restaurant sa Tomas Morato, two weeks ago.

Pauleen pumapalakpak ang tenga ‘pag tinatawag nang ‘Mrs. Sotto’

Mrs. Sotto na ang tawag kay Pauleen Luna ng mga dumalaw kahapon kay Senator Bong Revilla, Jr.

Matamis na smile ang sagot ni Pauleen sa mga bisita na bumabati sa kanya dahil siya ang winner sa puso ni Vic Sotto.

Busy na si Pauleen sa nalalapit na altar date nila ni Bossing kaya humingi na siya ng tulong sa isang wedding planner.

Ang sey ni Pauleen, baka ikasal sila ni Bossing sa January 2016 at hindi sa December 2015 dahil marami pa ang dapat asikasuhin. Hands on si Pauleen sa paghahanda para sa nalalapit na kasal nila ng love of her life.

Sen. Bong masaya kahit hindi sa bahay nag-birthday

Kahapon ang 49th birthday ni Bong kaya marami ang mga bumisita sa kanya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Good health at makalaya na siya bago maging golden boy sa susunod na taon ang birthday wishes ko kay Bong.

Masaya kahapon si Bong dahil kumpleto ang pamilya niya. Dumating mula sa Davao City ang anak ni Bong na si Inah at ang mister nito na si Vince. Tuwang-tuwa si Bong nang ma­kita niya ang mga anak na babae at lalake nina Inah at Vince.

Reyes brothers inaabangan na sa Camp Crame

Mahigpit ang mga security guard nang magpunta ako kahapon sa Camp Crame para bisitahin si Bong.

Naabutan ko sa Camp Crame compound ang mga OB van at crew cab ng mga television network.

Ang akala ko, naroroon sila para i-cover o bantayan ang mga bibisita kay Bong sa kaarawan nito.

Mali ang akala ko dahil waiting pala ang mga television crew at news reporters sa pagdating ni former Palawan Governor Joel Reyes at ng kapatid nito na si Mario na mga suspect sa pagpaslang noong 2011 sa environmentalist at journalist na si Gerry Ortega.

Nahuli ang Reyes brothers sa Phuket, Thailand noong September 20 at dumating sila kahapon sa bansa. Mula sa NAIA, dinala ang Reyes bro­thers sa Camp Crame, Quezon City.

Mother Lily may reminder para ‘di ma-dengue

Magaling na magaling na si Mother Lily Monteverde na ilang araw na na-confine sa ospital dahil sa dengue.

Ang kuwento ni Mother, nakagat siya ng lamok nang bisitahin niya ang isang pro­perty sa Batangas.

Mahigpit ang reminder ni Mother na iwasan na magpakagat sa mga la­mok tuwing 5 p.m. dahil ito raw ang mga klase ng lamok na may dala na dengue.

ACIRC

ANG

BONG

CAMP CRAME

MGA

MRS. SOTTO

NBSP

PAULEEN

REYES

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with