^

Pang Movies

Gloc-9 kapatid ang turing sa mga anak ni Francis M.

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas kilala bilang Gloc-9 si Aristotle Pollisco. Gloc-9 na ang ginagamit na name ng magaling na rapper na ibi­nigay sa kanya ng isang kaibigan. Isang presscon ang ibinigay ng kanya ng PPL Entertainment, para sa kanyang 18th year na niya sa entertainment industry at celebration na rin ng kanyang 38th birthday sa October 18. 

First time niyang magkakaroon ng solo concert ngayong October, tuwing Saturday simula sa October 10, sa Music Museum, ang Ang Kuwento ng Makata: Gloc 9 Live!

Hindi na nga mabilang ang mga song ni Gloc-9 na ginamit na theme song sa mga pelikula, kaya hindi ba siya nag-try na magkaroon kahit special guest appearance sa mga pelikulang ginagawan niya ng theme song?

“Gusto ko rin sana ng acting, kaya lamang napansin ko na tuwing aarte ako, iisa ang expression ng mukha ko, kaya sa pagkanta na lamang ako,” natatawang sagot ni Gloc-9. “Nagpapasalamat naman ako sa lahat ng mga tao na hindi nagsasawang kumuha sa aking kumanta ng kanilang theme songs at sa mga taong patuloy na nagugustuhan ang aking mga kanta.”

Ngayong malapit na ang eleksyon, may mga kumu­kuha na ba sa kanyang pulitiko para mag-record ng kanilang jingle? Mayroon na raw, pero iyon ay pinag-aaralan pa ng kanyang management kung tatanggapin nila o hindi. Hindi ba siya nahihirapang mag-rap na halos hindi siya humihinga? Thankful daw siya na biniyayaan siya na may mahabang hininga o siguro dahil na rin na hindi siya naninigarilyo, hindi umiinom maliban kung may bayad (commercial) at maaga siyang natutulog kung wala siyang work.

Inamin din ni Gloc-9 na si Francis Magalona ang idolo niya sa pagra-rap kaya nang pumanaw ito, matagal din siyang nawalan ng gana. Very close raw siya hanggang sa ngayon sa mga Magalona at hindi man daw sila magkakamukha ng mga anak ni Francis, parang mga kapatid na niya ang mga ito. Ini-launch na rin ni Gloc-9 ang bago niyang single na Payag.

Kanong dyowa ni Pokwang hindi na maiwan ang ‘Pinas

Mukhang tuluy-tuloy na sa pag-aartista at wala nang balak bumalik sa Hollywood si Lee O’Brien, ang boyfriend ng comedienne-actress na si Pokwang dahil itinuloy na niya ang pag-aartista nang kunin siya ng TV5 para sa sitcom na Kano Luvs Pinay katambal si Tuesday Vargas. Mara­ming nakaka-relate sa masasayang eksena kina Cookie Bigoy (Tuesday) at sa ‘afam’ love of her love na si Matthew o Matchew na tawag sa kanya ng kanilang mga kabarangay.

Kwela na may kurot sa puso ang Kano Luvs Pinay dahil tumatalakay ito sa interracial marriage, kulturang Pinoy at values, pamilya at siyempre pa, ang pag-ibig tuwing Sa­turday, 9:00 p.m. sa TV5.

Aktres iniiwan sa ere ang trabaho

Problema nga ba ng isang TV production ang actress sa kanilang soap dahil madalas daw itong nawawala sa set? Kung minsan daw nagpapaalam pero hindi na bumabalik, kaya madalas nganga ang production. Kung hindi maremedyuhan ng ibang eksenang kukunan, pack-up na lamang ang production.

ACIRC

ALIGN

ANG

GLOC

HINDI

KANO LUVS PINAY

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with