Snooky mas masahol pa kay Bella Flores
MANILA, Philippines - Hindi pasado sa grupo ng mga nanay na tagasubaybay ng My Faithful Husband ang pagsasaboy ni Snooky Serna ng mainit na sopas sa pamangkin na kasama sa bahay. Hindi daw ito nakakatawa against sa patakaran ng Human Rights ang pananakit sa kapwa kesehodang masama na nagawang kasalanan.
Grabe pagkasalbahe ni Snooky sa naturang istorya. Hinubaran pa niya si Jennylyn Mercado sa publiko, gayung napaka-imposible nitong mangyari dahil tiyak maraming sasaway. May mga komento tuloy, grabe daw siguro mga pinagdaanan sa buhay ng sumulat nito na isa-isa niyang ipinapakita sa My Faithful Husband. Teka totoo kaya ito? In fairness.. ang galing magkontrabida ni Snooky, talbog pa niya ang yumaong si Bella Flores na naghilamos ng kanin sa kanyang mukha noong bata pa lang sa pelikula. Hindi ‘yun makakalimutan ni Snooky, api-apihan kasi lagi ang papel niya noon.
Alden namigay ng datung sa bIyuda
Malaking pagbubunyi ng mga dating kaklase sa St. Paul College sa Bocaue Bulacan ng bagong star na si Maine Mendoza. ‘Di raw nila akalaing ang isa tatahi-tahimik na estudyante na kagaya ni Maine ay may grabeng tagumpay nang tinatamasa ngayon magbuhat ng sumikat sa Eat Bulaga.
Kinilig naman ang mga tagahanga sa 2nd monthsary nina Alden Richards at Yaya Dub nang magpalitan sila ng love letter. Halatang kinikilig ang dalawa. Nakaka-touched ang reaksyon ni Yaya Dub nung mapagkaisahan nila Alden na ibigay sa isang byudang mahirap na walang anak ang halagang 100,000. Niyakap ni Alden ang matanda sa sobrang tuwa. Malayo na talaga ang naaabot ng dalawang baguhan. Keep it up!
- Latest