^

Pang Movies

Milyones na followers ni Anne wala sa mood mag-tweet?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang mabibigla ka sa mga kuwento. Umabot na raw sa isang milyon ang followers ni Maine Mendoza sa Twitter. Hindi mo masasabing isang milyon talaga iyon dahil may mga taong maraming accounts at maaaring lahat ng accounts niya ay ginawa niyang follower ni Maine, pero mas ok iyan kaysa sa “likes” lamang na ang isang tao makagagawa kahit na isang libong likes siguro sa isang araw.

Noong isang araw, nai-report din dito sa PM na nakagawa ng history sa social media network na Twitter iyong AlDub, dahil umabot ang kanilang posts ng 6.5 milyon, na siyang pinakamarami sa history ng Twitter.

Pero tama nga bang ang followers at posts na lamang sa social media ang batayan?

Sa natatandaan namin, hindi si Yaya Dub ang sinasabing unang nakaisang milyong followers sa Twitter. Mga two years ago na yata, nabalitang kung ilang milyon na rin ang followers ni Anne Curtis. Ngayon ay may 8.1 million followers si Anne. Pero maski na ang kasamahan niya sa show na si Vice Ganda ngayon, nagsasabi sa kanya “kung kailangan ninyong i-guest ang AlDub para manalo kayo, gawin ninyo.” Hindi maikakailang talagang lampaso sa audience share ang show nila dahil sa AlDub. At isipin ninyo, naroroon si Anne Curtis na minsan ay sinabing siyang unang naka isang milyong followers sa social media. Ang gusto naming sabihin, hindi talagang batayan ang dami ng followers sa social media. Kasi maaaring may panahon na follow sila nang follow, pero pagkatapos noon wala na rin naman.

Kasi kung 8 million plus ang followers ni Anne, ibig sabihin tamad lang mag-tweet ang followers niya. Eh ang sa AlDub aktibo ngayon.

Ang sinasabi namin, iyang social media ay maaaring maging batayan at the moment, pero hindi mo masasabing iyan ay isang matibay na batayan kung ano na ang naabot ng popularidad ng isang celebrity talaga.

Pagmamaneho ng lasing ni Baron hindi na bagong isyu

Sa totoo lang, hindi kami nagulat nang marinig namin sa isang flash report sa radio na nabangga raw ng isang truck ang minamanehong SUV ni Baron Geisler. Feeling namin ang galing naming manghuhula dahil nahulaan na agad namin ang sasabihin ng reporter sa katapusan ng report. Lasing si Baron nang mangyari ang aksidente.

Wala naman daw nasaktan talaga, bagama’t wasak ang isang bahagi ng sasakyan ni Baron. Aba eh makipagbanggaan ka ba naman sa isang truck, at siya kasama ng driver din ng truck ay dinala sa pre­sinto para sa imbestigasyon.

Matagal din kami sa police beat eh. Hindi bago sa amin ang mga ganyang klase ng aksidente, pero more often than not, basta may aksidenteng ganyan at ang isa ay lasing, talo agad sa usapan kung sino iyong lasing. Kasi hindi naman maikakaila na iba ang reflexes ng isang taong lasing. Kung minsan mali ang desisyon ng isang taong la­sing. Kaya nga paulit-ulit naman ang paalala, huwag kang magmamaneho kung ikaw ay lasing.

Eh iyan namang si Baron, mara­mi nang napasukang gulo  dahil sa kalasingan. Iyong huli niya, noong makunan pa siya ng video habang nagwawala sa harapan ng isang disco, iyong Sky Trax sa Angeles City matapos na tumanggi ang mga bouncer na papasukin siya dahil lasing na nga siya.

Hindi ba naidemanda na rin siya dahil sa kala­singan siya, at ang nakalaban pa niya noon ay iyong anak ni William Martinez. Hindi pa roon natapos, nagkaroon din sila ng kaso ng marami pa.

ACIRC

ANG

ANGELES CITY

ANNE CURTIS

BARON GEISLER

DAHIL

FOLLOWERS

HINDI

ISANG

KASI

KUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with