^

Pang Movies

Mga bagong contestant ng YFSF, malakas ang hatak!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinutukan ng buong bansa ang unang linggo ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN, kung saan bumida ang level up na transformation at performances ng bagong walong celebrity performers.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ang pilot episode ng programa noong Sabado (Sept 12) ng national TV rating na 31.7%, o halos doble sa nakuha ng kalaban.

Maging sa online world ay patok din ang YFSF dahil naging trending topics ang opisyal na hashtags ng episodes na #YFSFNew­Season at #AllNewYFSF sa Twitter sa buong bansa at maging worldwide.

Itinanghal na unang weekly top scorer ng bagong season ang komedyanteng si Eric Nicolas para sa kanyang eksakto, nakakaaliw, at nakakabilib na panggagaya kay Willie Revillame mula sa hitsura, kilos, at boses. Bilang winner na nakakuha ng kabuuang puntos na 42 mula sa jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta, nag-uwi si Eric ng P100,000, na ang kalahati ay mapupunta sa kanyang napiling charity, ang Child Haus Foundation.

Sumunod sa scoreboard sina Sam Concepcion bilang Eminem na nakakuha ng 27 points, Kakai Bautista bilang Sia (18 points), Kean Cipriano bilang Harry Styles (15 points), Denise Laurel bilang Jennifer Lopez (12 points), Myrtle Sarrosa bilang Sandara Park (8 points), KZ Tandingan bilang Vina Morales (5 points), at Michael Pangilinan bilang George Michael (5 points).

Sa darating na weekend (Sept 19 at 20) naman, abangan ang performances ni Sam bilang Jason Derulo, Eric bilang Louis Armstrong, Kean bilang Randy Santiago, Myrtle bilang Jessa Zaragoza, Denise bilang Christina Aguilera, Kakai bilang AiAi delas Alas, KZ bilang Pink, at Michael bilang Janno Gibbs.

Sino ang magiging top scorer sa susunod na round?

Huwag palampasin ang linggu-linggong transformation ng walong celebrity performers sa all-new season ng Your Face Sounds Familiar, tuwing Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya (MMK) at tuwing Linggo pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANG

BILANG

CHILD HAUS FOUNDATION

CHRISTINA AGUILERA

DENISE LAUREL

ERIC NICOLAS

GARY VALENCIANO

GEORGE MICHAEL

HARRY STYLES

JANNO GIBBS

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with