Jasmine ayaw paasahin si Brian!
MANILA, Philippines – Natsismis na sina Paulo Avelino at Jasmine Curtis-Smith habang ginagawa ang horror movie na Resureksyon. Ayon sa aktres, naging friends naman sila ng aktor at madalas mag-hang out matapos gawin ang pelikula.
Expected naman daw ni Jas na may lalabas na ganoong tsismis dahil madalas silang magkasama ni Pau.
“People will always say their opinion on what they see. Ganoon talaga,” rason ni Jasmine.
Ayon naman kay Paulo, dumami ang bondings nila ni Jasmine after ng shooting ng pelikulang dinirek ni Borgy Torre.
“Hindi na magtagpo ang schedules namin eh,” saad ni Paulo nang tanungin kung nasundan pa ang bondings nilang ‘yon. Dagdag pa niya, “Pag may chance, baka mag-dinner ang lahat!”
Komo nga nilalagyan ng malisya ang paglabas-labas nila, “I think it’s unfair. Hindi lang sa akin kundi maging kay Jas. Hindi naman dapat bigyan ng ganoong meaning!”
Nagagandahan naman siya kay Jas. “Wala, nabighani naman talaga ako sa kanya!”
Naungkat din kay Paulo ang pagbabati nila ng ex-girlfriend na si KC Concepcion. Posible bang magkaroon ng resureksyon sila ni KC?
“Parang hindi naman kami nag-away! Hindi lang kami nagkita talaga. Walang chance. Hi lang naman. Kuwentuhan ng konti. That’s it!” matipid na sagot ng aktor.
Sa ngayon, marami raw ginagawa si Paulo at out of the country si KC. “Siguro, we’re just focusing on what we’re doing,” matipid na sagot niya.
Eh pagdating naman sa personal life ni Jasmine, ini-enjoy niya ang pagiging single.
“Yeah! Enjoy life! Single or not, enjoy life!” diin ni Jasmine.
Eh, puwede ba niyang i-entertain si Brian Llamanzares bilang suitor?
“Ahhh, eh, I think it all depends on how much time you can give. That’s one. Then, the right timing and how much effort to put out kasi unfair naman kasi kung hindi ka pa ready sa taong buung-buo ang effort na ibinagay sa ‘yo.
“Ayoko naman ‘yung ako, walang ginagawa. Siya gustong i-pursue ang nangyayari,” katwiran ng aktres.
So hindi ba siya ready for another commitment?
“Marami po akong ginagawa. Ayokong maging half-hearted sa work ko. When it comes to being ready, you can never tell when you are ready! Knowing na hindi ko maibibigay nang buo sa tao na parang magpe-pursue sa akin, ayoko namang paasahin!” paliwanag ni Jasmine.
Aktor na mabenta sa bading nu’ng hindi pa artista, nagmamalinis
Malakas ang loob ng isang actor na panindigan na wala pa siyang experience sa bading, huh!
Pero during his college days bago madiskubre sa showbiz, mabenta raw ang aktor sa mga bading. Eh, mabait naman daw ang aktor kaya madali siyang malambing ng mga beki, huh!
Although hindi naman galing sa hirap, hindi lang daw siya makatanggi sa alok ng ikama siya nga mga badingga. Kaya ‘yung naging parokyano niya ay madalas na taga-showbiz. Kaya nang agawin ng showbiz, na-chika siyang pumapatol sa bading.
Eh, baka nagbago na ang aktor. Hindi na siya pumapatol sa bading ngayon dahil may pangalan na siya’t baka matsismis pa siya nang todo, huh!
- Latest