^

Pang Movies

Ken destiny ang maging transwoman!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Finally ay dumating na ang destiny ni Ken Chan. Ang katuparan ng kanyang pangarap ay hawak na ng young actor pagkaraan ng mahabang paghihintay. Isang big project kasi ang ipinagkatiwala sa kanya ng GMA 7, ang afternoon primetime na Destiny Rose. Isang transexual woman ang role ni Ken dito.

Si Ken ay isang Chinese at mainstay siya ng programang Walang Tulugan With The Master Showman ni Kuya Germs. Hindi nasayang ang pagtitiyaga niyang paghihintay, pati na rin ang kanyang kasipagan at idagdag pa ang dasal. Hindi siya sumuko at hindi natakot kaya nagtagumpay siya.

Inayunan siya ng destiny na makamit ang pangarap na maging ganap na artista sa TV at soon sa mundo ng pelikula. All out ang support ng GMA na alagang-alaga siya.

Willie natulala nang madagdagan ang rating ng show

Natulala si Willie Revillame dahil sapul nang maging maaga ang dating 3:00 p.m. na Sunday programa niyang Wowowin ay ang taas na ng ratings nito.

Alam naman nating hindi umuuwing luhaan ang mga lumalapit kay Willie at ang kapal ng audience na halos hilahin at ayaw bitawan sa yakap ang host. Grabe ang audience at ang nasa labas ng studio na hindi na nakapasok dahil sobrang siksikan na sa loob.

Over, over na raw ang ratings ng nasabing programa sabi ni Ate Tess, ang secretary ni Kuya Will at mga staff ng said show at may plano na baka magkaroon ng additional na silid para ma-accommodate ang mas maraming tao.

Ayaw daw ni Willie na may mga nakapilang hindi nakakapasok. Sabi raw ni Willie, utang niya sa tao kung bakit patuloy na umaangat ang kanyang Wowowin at higit sa lahat sa Diyos na never siyang nawalan ng tiwala.

TV5 may malaking pasabog ngayong Kapaskuhan!

May pasabog at pasasabugin sa tamang panahon ang TV5 Network. Super busy ng kanilang group of writers dahil nalalapit na ang Pasko at gusto nila na malalaki at matutunog ang mga mapapanood sa TV at maririnig sa kanilang radio station.

Welcome sa network ang mga gustong ma-connect sa kanila especially mga talented artists, writers, broadcasters, at iba pa. Ilan sa mga sikat na talents sa iba’t ibang larangan sa TV5 ang Tulfo brothers na sina Ramon, Ben, at Erwin, Luchie Cruz, Cristy Fermin, Paolo Bediones at ilan pa.

Medical mission para sa mga estudyante at press

Ang co-anchors sa programa ng katotong Jobert Sucaldito na si Ahwel Paz ay magkakaroon ng medical mission for pupil at press people sa September 13, 6 a.m. sa Delos Santos Medical Center, Rodriguez Avenue, Quezon City. Happy Birthday Ahwel! Makatao ka talaga.

Maraming salamat po!

A million thanks to Cristy Fermin and Ate Tess Mateo, Grabe kayo. Agad agad!

Condolence

Sincere condolence to columnist Crispina Martinez Belen, Walden Belen (colleague), and brother dahil sa pagyao ng mahal nila sa buhay si Direk Nards Belen. Eternal Rest.

vuukle comment

AHWEL PAZ

ALIGN

ANG

CRISPINA MARTINEZ BELEN

CRISTY FERMIN

CRISTY FERMIN AND ATE

DELOS SANTOS MEDICAL CENTER

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with