Healing Hearts magbababu na!
MANILA, Philippines - Napukaw ng GMA Afternoon Prime series na Healing Hearts ang damdamin ng mga manunuod sa kuwento tungkol sa kakaiba at natatanging koneksyon ng isang ina at ng kanyang anak at kung paano pinaglalaban ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang pag-ibig bagaman marami ang gustong humadlang dito.
At sa pagtatapos ng Healing Hearts ngayong Biyernes (Setyembre 11), ibinahagi nina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang gusto nilang matutunan ng kanilang loyal viewers mula sa serye.
Para kay Kristoffer na gumaganap bilang Jay, message of hope ang gusto niyang maiwan na aral sa mga manonood. “In times of despair, na akala nating wala na, as long as hindi tayo sumusuko, makakamit natin yung hinahangad natin. It’s also about paninindigan at about making the right choices,” saad niya.
Kay Joyce naman na gumaganap na Liza, gusto niyang manatili sa isipan ng mga manonood na kahit dumadaan sa maraming pagsubok ang isang tao, malalagpasan at matatapos din ang mga ito. “You can always find something positive in your life that can make you happy. And that at the end of everything, though things may be tough at the moment, there will always be victory in the end,” dagdag ng Kapuso actress.
Sa huling araw ng Healing Hearts, alamin kung tuluyan na kayang magkakasama ang mag-inang Rachel (Mickey Ferriols) at Liza o kung patuloy pa ring hahadlang sina Abel (Jay Manalo) at Nimfa (Angelika dela Cruz)? At sa huli, malagpasan pa kaya nina Jay at Liza ang mga pagsubok sa kanilang pag-iibigan?
Huwag palampasin ang huling episode ng Healing Hearts ngayong Biyernes pagkatapos ng Buena Familia sa GMA Afternoon Prime.
- Latest