^

Pang Movies

Cherie Gil hindi nagsasawa sa pagko-kontrabida

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Maarami ang natuwa sa pagkakasali ni Cherie Gil sa Half Sisters ng GMA-7 na naghahasik ng kasamaan bilang kontrabidang si Magnolia McBride.

Sinabi rin ni Cherie na gusto niya ang role niya dahil Inglis-inglisan daw ang kanyang mga linya at siyempre super rampa raw siya sa kanyang mga bonggang outfit.

Lahat raw ng kasamaan ay gagawin ni Cherie sa pamilya ni Barbie Forteza at Jean Garcia sa seryeng ito. Kaya lalabas daw ang kanyang pagiging super bad sa panghapon na palabas ng Kapuso Network.

Pagbabayarin ni Cherie ang pamilya ni Jean sa kanyang paghihimagsik dahil lahat daw ng cast na makakalaban niya ay takot na masampal niya sa mga eksena. Malapad at mabuto pa naman daw ang kanyang kamay.

Pero makakarma siya kay Gloria Romero na lola ni Barbie sa Half Sister dahil makakatikim naman siya ng sampal sa senior actress.

Kilala si Cherie na siya ang nananampal, pumayag siyang pasampal na bukod tanging kay si Ms. Gloria lang ang puwedeng makakagawa sa kanya.

Kanta ni Alden pumatok kaagad!

Wala  nang makapipigil sa tuluy-tuloy na pagsikat ni Alden Richards. Singer na rin ito ngayon na panay ang pasasalamat sa kanyang Twitter at IG account dahil patok na patok ang kanta niyang may title na Wish I May na umabot na ng 50,000 views sa You Tube last week at tumataas pa ang bilang.

Marami ang fans ng AlDub na nag-suggest na ito ang gawing themesong sa kanilang KalyeSerye bukod pa sa mga cover song na pinapatugtog sa Eat Bulaga araw-araw.

Marami pang request ang netizens na gawan din ng solong kanta si Maine Mendoza (Yaya Dub) bilang sagot naman nito sa single ni Alden para raw sabay silang mag-promote  para makumpleto na ang album ni Alden. May hirit pang gawan sila ng duet dahil mas nakakakilig ito sa kanilang fans.

ALDEN RICHARDS

ANG

BARBIE FORTEZA

EAT BULAGA

GLORIA ROMERO

HALF SISTER

JEAN GARCIA

KAPUSO NETWORK

MAINE MENDOZA

MARAMI

MS. GLORIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with