Mga choir maglalaban-laban sa mahigit isandaang libong pisong papremyo
MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t-ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2015 MBC National Choral Competition.
Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category. Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.
Magsasagawa ng live auditions sa Cauayan, Isabela sa ika-5 ng Setyembre; sa Iloilo sa ika-26 ng Setyembre; Cebu sa Oktubre 1; Palo, Leyte – Oktubre 3; General Santos City – Oktubre 10; Cagayan de Oro – Oktubre 11; Calasiao, Pangasinan – Oktubre 17; at sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay sa ika-24 ng Oktubre.
Ang mga choir sa iba pang mga lalawigan ay maaring mag-audition sa pamamagitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form. Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-16 ng Oktubre.
Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions
Maaring magparehistro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa Yes FM Cauayan – 0927.388.8277; Love Radio Iloilo – 0917.501.7070; Easy Rock Cebu – 0917.315.3539; Love Radio Tacloban 0906.699.5732; Love Radio GenSan – 0916509.2222; Easy Rock Cagayan de Oro – 09127.704.0527; Love Radio Dagupan – 0932.424.4229, o kaya’y mag-email sa para sa Mega Manila auditions.
- Latest